Tagalog news: Heritage City ng Vigan, pinaigting ang kampanya laban sa kahirapan

LUNGSOD NG VIGAN, Marso 19 (PIA) — Pinaigting ng pamahalaang lungsod ang kampanya laban sa kagutoman at kawalan ng hanap-buhay bilang tugon sa adhikain ng “Millennium Developmenmt Goals” (MDG’s) ng United Nations na labanan ang kahirapan.

Ayon kay Mayora Eva Medina, inilunsad ang “Raniag ti Masakbayan” (Ilaw ng Kinabukasan) program para matulungan ang mga taga-Vigan na walang hanap-buhay na nagmula sa mga itinuturing na “poorest of the poor” para mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Sinabi ng alkalde na natuturuan ang mga “out-of-school youths’ ng mga skills training tungkol sa cosmetology o pagmi-make-up, hair dressing o pag-aayos ng buhok, pagluluto, pagkakarpintero, pagwewelding, pagmemekaniko, kaalaman sa spa at reflexology sa Vigan Training Center sa pakikipagtulongan din ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda).

Sinabi ni Medina na napagkalooban pa ng tool kits ang mga trainees pagkatapos ng kanilang pagsasanay para mabuo nila ang sariling negosyo sa siyudad o di kaya’y nabibigyan sila ng puhunan para sa pagpapatayo ng negosyo tulad ng sari-sari store o maliit na karinderya.

May mga ama ng tahanan na napagkalooban pa ng tricycle na pangpasada kabilang na ang libreng prangkisa nito at puhunan sa pagtitinda ng fish ball na malaking tulong sa kanilang pamilya, sinabi pa ni Mayor Medina.

Ang City Social Welfare Office na pinamumunuan ni Celie Agcamaran ang pumili at nagrekomenda sa mga beneficiaries mula sa mga pinakamaralitang pamilya sa bawat barangay sa siyudad maliban pa sa mga natulungan ng 4 P’s (Pantawid Pamilyang Pilipino Program).

Mula nang mailunsad ang programa noong 2010, nababawasan na ang bilang ng mga maralitang pamilya sa lungsod na tinatayang siyam na porsyento na lamang ang natitira at posibleng mabawasan pa hanggang 2015.

“Hindi lamang nakatuon sa turismo o kalakalan ang mga programa ng pamahalaang lungsod sa Heritage City kundi naka-focus din ito sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga kababayan nating mahihirap,” sinabi pa ng alkalde.

Ang Vigan, dating “Ciudad Fernandina” na nakaukit na sa World Heritage List ng UNESCO, ay naparangalan na ng mga sumusunod: “Best Practices in Heritage Conservation”; “Seal of Good Housekeeping” o “Pamana ng Lahi,” national award ng Department of Interior and Local Government (DILG); at Best child–friendly city ng Pilipinas. (MCA/BPP-PIA1, Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s