Tagalog news: RIAA 2013 idinaraos sa Pangasinan

LINGAYEN, Pangasinan, Marso 4 (PIA) — Muling idinaraos sa lalawigan ng Pangasinan ang Region I Athletic Association (RIAA) Meet na binuksan noong Pebrero 24 sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa bayang ito at nagtapos sa ikalawa ng Marso.

Ang RIAA, na siyang pinakamalaking patimpalak ng palakasan o isports sa rehiyon, ay kinabibilangan ng halos 8,000 mga kalahok mula sa pampubliko at pampribadong paaralan ng elementarya at hayskul sa 14 na dibisyon sa Rehiyon Uno.

Sa pagbubukas nito, hinikayat ni Tonisito Umali, assistant secretary ng Kagawaran ng Edukasyon, ang mga atleta na pagbutihin ang kanilang paglalaro upang makamit nila ang tagumpay. Ipinaalala rin ni Umali sa lahat ng mga kalahok na huwag kalilimutan ang kahalagahan ng disiplina.

Hinimok din ni Gob. Amado Espino Jr. ang mga atleta na ibigay ang kanilang buong husay at kasabay nito ay hiniling niya na sana isa (sa mga kalahok) dito sa Pangasinan o sa Rehiyon Uno ang magdala pa ng masmataas na karangalan at makakuha ng mga medalya sa mas mataas na lebel ng kompetisyon.”

Tampok sa RIAA ang pagtatagisan ng galing ng mga batang atleta sa iba’t ibang isports gaya ng “athletics,” “gymnastics,” basketbol, sepak takraw, beysbol, softball, badminton, ping pong, archery, paglangoy, boksing, arnis at chess.

Tiniyak naman ng pamahalaang panlalawigan na ang pinagdausan ng mga laro ay handa at ang mga kagamitan ay maayos upang masiguro na tagumpay na maisasagawa ang nabanggit na patimpalak.

Kaugnay nito, inatasan ng pamahalaang panlalawigan ang ilang mga “health personnel” na nag-asikaso sa mga atleta kung sakaling sila ay masaktan o maaksidente habang naglalaro at kung sila ay magkasakit.

Mayroon ding mga pulis na nagbantay sa mga paaralang tinutuluyan ng mga atleta at maging sa mga pinagdarausan ng laro upang matiyak na ligtas ang lahat ng mga kalahok. (JCR/AMM-PIA1 Pangasinan kalakip ang ulat mula sa PIO) – See more at: http://www.pia.gov.ph/news/index.php?article=1941362014407#sthash.N2SLyYTr.dpuf

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s