Tagalog news: Mga katutubo sa Norte nakilahok sa art exhibit

LUNGSOD NG LAOAG, Peb 21 (PIA) — Nagkaroon ng pagkakataon ang mga grupo ng katutubo sa Ilocos Norte na ipamalas ang kanilang galing sa larangan ng sining sa naganap na 3rd Indigenous Art Exhibit kamakailan.

Nagmula sa bayan ng Adams, Carasi, Dumalneg at Nueva Era ang grupo ng mga katutubo na nakibahagi sa pagtitipon sa pangunguna ng Kalinawa Art Foundation.

Isa ang Kalinawan Art Foundation sa mga tumutulong sa mga katutubo sa buong bansa na ibahagi sa publiko ang kanilang galing sining.

Ayon sa exhibit curator na si Nestor Horfilla, ang pagtitipon na ito ay naglalayong pagbigkisin ang mga katutubo sa buong bansa para tumaas ang pagkilala sa kanila ng publiko.

Ayon pa sa kanya, isinagawa ang exhibit, sa pagnanais na ipakilala sa mga tao ang mga natatanging kultura at pamumuhay ng mga katutubong Ilocano.

“Malaki ang kontribusyon ng mga katutubo sa lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng kanilang mga obra, naipaparating nila sa mga tao ang kahulugan ng pagkakaisa o bayanihan sa bawat isa,” sabi ni Horfilla.

Nasa 38 ang mga katutubong lumahok sa nasabing pagtitipon na nakapagtala ng 61 bilang ng artworks.

Taunang isinasagawa ang Art Exhibit na ito sa Ilocos Norte bilang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga katutubo. Nagsimula itong ilunsad noong 2011.

Binuksan sa publiko ang mga artworks na kinabilangan ng mga art enthusiasts, mga mag-aaral at guro, kasama na din ang mga kawani ng pamahalaang probinsyal.

Aktibong sumusuporta ang Kalinawan Art Foundation sa mga katutubo sa buong bansa. Mula noong 2006, sila ay nakikipagtulungan sa mga lokal na pamalaan sa pagsasagawa ng mga ganitong uri ng exhibit para mapanatili ang kultura ng mga katutubong Pilipino.

Sa pagtatapos ng programa, kinilala ang mga nagwagi bilang pinakamagandang obra sa naganap na art exhibit. (MCA/CJDG-PIA1 Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s