Tagalog news: Mahigit sa 80 pares lumahok sa kasalang bayan ng Pag-IBIG Fund

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Peb 14 (PIA) — Mayroong kabuuang 87 na pares dito sa probinsiya ang nag-isang dibdib sa tinaguring “I Do. I Do. Araw ng Pag-IBIG” ng Pag-IBIG Fund sa Ortega Gymnasium.

Ayon kay Rachael Gallano, Pag-IBIG Fund La Union Member Services Officer, ang kasalang bayan ay idinaos ng sabay-sabay sa buong bansa bilang paraan ng pasasalamat sa kanilang mga masusugid na kliyente at upang matulungan ang mga mahihirap na mag-asawa na matagal nang nagsasama ngunit wala pang sakramento ng kasal.

Ito rin ay naglalayong maitaguyod ang natatanging kultura ng pagmamahal at pagkakaisa sa loob ng bawat pamilya, aniya.

“Ang lahat ng gastusin sa kasal ay ipinagkakaloob ng Pag-IBIG Fund tulad na lamang ng “reception,” pagdadausan ng kasal, pagkain at singsing,” tugon niya.

Nagkaroon rin ng “raffle draw” kung saan dalawang naglalakihang papremyo ang ipapamigay, isang “house and lot” at “kabuhayan package.”

Tumayong principal sponsor o ninong ng mga bagong kasal sina Bise Presidente Jejomar Binay, Chairman ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees at Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Darlene Marie Berberabe samantalang, ang alkalde ng lungsod na si Pablo C. Ortega ang magkakasal sa kanila. (MCA/MHH-PIA1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s