Tagalog news: CHR-Ilocos nagsagawa ng seminar ukol sa karapatan ng kababaihan, kabataan sa La Union

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Peb 14 (PIA) — Nagsagawa ang Komisyon ng Karapatang Pantao sa Ilocos Region ng seminar sa mga batas ukol sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan sa Hotel Ariana sa bayan ng Bauang kamakailan.

Nabansagang “First Call for the Year for Children’s Right, Women’s Right and Gender Awareness,” ang seminar ay isinagawa upang mas maipabatid sa mga kababaihan at kabataan ang kanilang karapatan na nasasailalim sa ilang mga batas.

Ayon kay Atty. Romel P. Daguimol, officer-in-charge ng CHR Region 1, layunin ng seminar na mapanatili at madagdagan ang bilang ng mga ahensiyang katuwang sa pagpapalaganap ng mga karapatang ito ng mga kababaihan at kabataan.

Ilan sa mga mahahalagang batas at isyung natalakay ay ang Magna Carta for Women, R.A. 7877 o Anti-Sexual Harassment Act, R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act at ang United Nations Convention on the Rights of the Child.

Ayon naman kay Norberto de la Cruz, CHR focal commissioner ng rehiyon uno, marami ang mga batas ukol sa karapatan na naglalayong protektahan ang mga kababaihan at kabataan ngunit kulang ang pagpapatupad sa mga nito.

“Ang pagpapatupad ng mga batas na ito ay nakadepende sa mga stakeholders kaya dapat itong isaulo at isagawa sa ating mga sarili,” sabi ni de la Cruz.

Kabilang sa mga dumalo ay ang mga kinatawan mula sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas, Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad, Kagawaran ng Paggawa at Empleyo, Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad, Kagawaran ng Kalusugan, Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal at iba pang ahensiya dito sa rehiyon. (MCA/MBR-PIA 1 La Union

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s