Tagalog news: Lider sa Ilocos Sur, nanawagan para sa mapayapang halalan

LUNGSOD NG VIGAN, Peb 13 (PIA) — Hinikayat Gobernador Luis “Chavit” Singson ang lahat ng kandidato sa darating na national at local elections sa Mayo 13, 2013 na iwasan ang “black propaganda” at “dirty politics” para mabawasan ang init ng politika sa lalawigan na nasa hanay ng mga 15 “High Risk Areas” sa bansa.

“Walang personalan kundi issue lang,” idiniin ni Singson sa press conference sa Baluarte sa Heritage City noong nakaraang Linggo.

Hiniling ni Gob. Singson sa mga kandidato at supporters nila na magtulungang ipakita sa buong mundo na “ang Ilocos Sur na itinuturing na First Class province ay isa sa mga pinakamatahimik na lalawigan na dinadayo ng mga turista.”

Sinabi ng gobernador na mapayapa ang mga nakaraang eleksyon sa lalawigan kumpara sa mga ibang probinsya tulad ng Abra at iba pang lugar na magulo ang halalan.

Issue ang pagdedebatehan sa kampanya at walang personalan na tirada at walang halong paninira ng katauhan o dangal ng sinumang kandidato, iginiit ng gobernador na awtor ng Tobacco Excise Tax Law o RA 7171 na naglalaan ng pundo mula sa buwis ng sigarilyo sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Abra.

Hindi na kakandidato si Gov. Chavit sa nalalapit na local eleksyon. Ang kanyang anak na si Congressman Ryan Singson (NP-Bileg) ang tatakbo para gobernador na makakalaban si Tagudin Mayor Roque verzosa Jr (LP).

Hiniling pa ng gobernador sa Department of Interior and Local Government (DILG), sa pamumuno ni Sec. Mar Roxas, na alisin sana sa listahan ng mga High Risk Provinces ang Ilocos Sur para hindi mabulabog ang mga dayuhang kapitalista na nagnanais magtayo ng negosyo sa Ilocos Sur. (MCA/BP-PIA 1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s