Tagalog news: Opisyales sa barangay, dapat walang kinikilingan, ayon sa DILG

SIYUDAD NG DAGUPAN, Peb 7 (PIA) — Ang mga opisyales sa barangay ay nararapat na manatiling neutral o walang kinikilingan sa pagasasagawa ng mga aktibidad na may kaugnayan sa eleskyon, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni Roderick Dawis, direktor ng DILG sa lungsod ng Dagupan, ang mga opisyales sa barangay o tinatawag na grassroots level ay nagrereprisinta ng “basic unit of politics” at nararapat lamang na wala silang paboran o kilingan na pulitiko o kandidato.

Sa pagiging neutral o patas, ang tulong na ibibigay sa isang kandidato ay dapat ding ibigay sa mga iba pang kandidato kahit sila ay magkakatunggali, ani Dawis sa KBP Forum na isinagawa sa tanggapan ng Philippine Information Agency noong Huwebes.

Dagdag pa niya, ang mga nahalal na opisyal ay dapat mangunang sumunod sa mga tuntunin ng Commission on Elections (Comelec) at hindi sila ang unang lumabag dito.

Hinikayat niya ang publiko na isumbong sa DILG o Comelec ang mga nakikita nilang mga nahalal na opisyal na lumalabag sa tuntunin. (MCA/VHS-PIA1 Pangasinan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s