Tagalog news: Laban kontra sa droga, pinaigting sa Ilocos Sur

LUNGSOD NG VIGAN, Peb 11 (PIA) — Pinaigting ng pamahalaang probinsya sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor ng komunidad ang kampanya laban sa illegal na droga.

Ayon kay Bokal Robert Tudayan, chairman ng Committee on Illegal Drugs sa Sangguniang Panglalawigan, naaprubahan na ang resolusyon na humihiling sa pagbuo ng Ilocos Sur Anti-drug Abuse Council na pinamumunuan ni Gob. Luis “Chavit” Singson para puspusang mapuksa ang suliranin tungkol sa ilegal na droga na karaniwang bumibiktima sa mga estudyante.

“Magtutulungan dito ang gobyerno at ang mga mamamayan para maipatupad ang Unity, Solidarity and Team Work,” idiniin ni Tudayan, bagama’t hinikayat niya ang mga grupo sibiko at relihiyoso, people’s organizations na makipag- “Bayanihan” laban sa mga ipinagbabawal na gamot.

Sinabi pa ni Tudayan na bubuo rin ang mga lokal na chapter nito sa 34 na bayan, kabilang na ang Heritage City ng Vigan at ang lungsod ng Candon, na makikipagtulungan rin sa mga kasapi ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan (PSK) na pinamumunuan ni Gabrielle Kayla Mendoza, na miyembro rin ng Huinta Probinsyal na kumakatawan sa mga kabataan.

Inihayag ni Tudayan, chairman ng Committee on Environment, na ang mga bumubuo sa naturang konseho ay kabilang na si Bise- Gobernador Deogracias Victor “DV” Savellano, bilang Vice Chairman at kasapi ang Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Department of Health (DOH), Local Government Units (LGU’s) Federation of SK, Boy Scouts of the Philippines (BSP) – Ilocos Sur Chapter at iba pang sangay ng pamahalaan at sektor pribada.

Hiniling pa ni Bokal Tudayan ang tulong ng mga kasapi ng Ilocos Sur Media Association (radio, tv at print) at Philippine Information Agency (PIA) para maiparating sa madla ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot, “Makilahok tayo sa krusada laban sa illegal drugs para sa maunlad at malusog na bansa,” iginiit ni Tudayan.

Samantala, naglunsad ang pamahalaang probinsyal sa pakikipagtulungan ni Congressman Ryan Singson ng Inter-Town Basketball Tournament sa una at ikalawang distrito ng lalawigan para maitaguyod ang palakasan, “team work” at “self-discipline” sa mga kabataan para maiwasan ang mga masasamang bisyo at makatulong sila sa pambansang kaunlaran. (MCA/BP PIA 1 Ilocos Sur)

 Tags:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s