Tagalog news: Educational art gallery inilunsad sa Ilocos Norte

LUNGSOD NG LAOAG, Peb 11 (PIA) — Panibagong atraksyon na naman para sa mga mag-aaral ang agong lunsad na art educational gallery ng pamahalaang probinsyal ng Ilocos Norte.

Ang gallery ay pinagsama-samang installation at iskultura ng mga kilalang bayani at alagad ng sining.

Tinawag itong na ‘Sirib-Mile’ (o SMILE Milya ng Karunungan) ng lokal na pamahalaan.

Ang proyektong ito ay magdudugtong sa mga kalsada ng mga paaralan at pamantasan sa Lungsod ng Laoag para makabuo ng isang educational hub.

Ito ay inilaan ng pamahalaang probinsyal sa pangunguna ni Gob. Imee Marcos para sa masmataas na kalidad ng edukasyon ng mga estudyanteng Ilokano lalo na sa larangan ng sining.

Kabilang sa mga nagsagawa ng mga installations at iskultura ay ang mga kilala sa larangan ng sining na sina Leeroy New sa sculpting at Plet Bolipat na isang visual guru.

Hindi ito ang unang pagkakataon na magsasagawa ng proyekto sa probinsya sina New at Bolipat, katunayan ay naging kontibutor na din sila sa tagumpay ng kauna-unahang “desert festival” na tinawag na “Himala sa Buhangin” sa bayan ng Paoay noong nakaraang taon.

Ang sikat sa arkitektura na si Felino Palafox naman ang nagsagawa ng master plan ng nasabing educational art gallery.

Ang education art gallery na ito ay bubuuin ng mga daanan sa Ilocos Norte National High School, Ilocos Norte College of Arts and Trades, Mariano Marcos State University, Provincial Department of Education, Marcos Stadium at ng Ilocos Norte Centennial Arena.

Layunin ng ‘Sirib-Mile’ na ipakilala at ilapit sa mga mag-aaral ng ilocos Norte ang mga nalatagong galing ng mga Ilocano sa larangan ng sining.

“Karamihan sa mga makikita dito ay mga Ilocano heroes at artists, kagaya ni Severino Montano, isang sikat na Ilocanong dramatista,” sabi ni Nicole Rudio ng Communications and Media Office ng Ilocos Norte.

Magkakaroon din ng libreng sakay ng “shuttle bus o electronic jeep” mula sa Centennial Arena hanggang sa Pamantasan ng Mariano Marcos kung saan iikot ang sasakyan. (MCA/CJDG PIA1-Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s