Tagalog news: Buwis ng sigarilyo nakatutulong din sa iba pang mga bayan

SAN ILDEFONSO, Ilocos Sur, Jan 24 (PIA) — Ang maliit na bayang ito na bagama’t hindi nagtatanim ng tabakong birhinya ay unti-unti na ring umuunlad dahil sa tulong ng buwis ng sigarilyo.

Ayon kay Mayor Mark Anthony Purisima umaabot lamang ng P8.4 milyon ang income ng bayan kada taon ngunit dahil sa tulong ng pondo mula sa R.A. 7171 o “Tobacco Excise Tax Law” unti-unti nang tinatamasa ng mga kababayan ang katas ng progreso.

“Kahit walang nagtatanim ng tabako sa bayan namin, nagkaroon ito ng di-inaasahang pag-asenso dahil sa buwis ng sigarilyo,” idiniin ng abogadong alkalde.

Iniulat ng alkalde na dahil sa naturang batas na pinirmahan noon ni dating Pangulong Corazon Aquino, tumatanggap ng P15 milyon na municipal share ang San Ildefonso bawat taon para sa pagpapatayo ng mga farm-to-market roads; Barangay Health Center; Barangay Hall; at proyektong pangkabuhyan, pang-kalusugan at pang-agrikultura.

“Wala ang mga kaunlarang ito kung wala ang RA 7171,” iginiit ni Purisima “kaya mapalad din ang Ilocos Sur na itinuturing na First Class province dahil ang ibang lalawigan ay walang natatanggap na pondo mula sa buwis ng sigarilyo.

Sinabi pa ni Purisima na sa tulong din ni Gov. Chavit Singson at Congressman Ryan Singson nabiyayaan din ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga farm tractors o “kuliglig” sa bawat barangay, livelihood projects, pagpapaunlad ng “basi” industry sa pagbibigay ng puhunan, social services at PhilHealth cards sa mga mahihirap na pamilya.

Ang pagpapatupad ng Sin Tax Law sa 2013 sa administrasyon ni Pres. Benigno Aquino III inaasahang tataas ang pondo mula sa RA 7171 fund na matatanggap ng lalawigan at iba pang lugar na nagtatanim ng Virginia tobacco, sinabi ni Purisima, at bagamat maigting ang kampanya laban sa paninigarilyo mananatili pa rin ang pangunahing industriya ng mga Ilokano.

Nabanggit pa ng alkalde na dahil malapit lang ang San Ildefonso sa Heritage City ng Vigan na nakaukit sa World Heritage Sites, prayoridad ng kanyang administrasyon ang turismo sa pamamagitan ng pagpapatayo ng dancing fountain sa harap ng munisipyo, resto bar at mapaunlad ang mga “Basi Kubo” sa makasaysayang bayang ito na kung saan naganap ang madugong “Basi Revolt” noong Setyembre 1807. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s