Tagalog news: 731 nabenepisyuhan sa programang pangkabuhayan ng DOLE

LUNGSOD NG LAOAG, Enero 25 (PIA) — Tinatayang nasa 731 ang nabaenepisyuhan ng programang pangkabuhayan ng Department of Labor and Employment o DOLE sa lalawigan ng Ilocos Norte sa taong 2012.

Kabilang sa mga ito ay nasa sektor ng mga kababaihan, pagsasaka, pangingisda, mga kabataan at mga mangagawa na kabilang sa mga mahihirap na pamilya.

Layunin ng programang ito na DOLE na mabigyan ng tulong-pangkabuhayan ang mga mahihirap na mamamayan para sa tuluyang pag-abot ng Millennium Development Goals o MDG ng bansa.

“Mas maraming komunidad na natutulungan ng DOLE, mas maraming mahihirap, lokal na pamahalaan at ahensya ng gobyerno ang mapapabilang sa mga stakeholders ng pamahalaan para sa layunin nitong puksain ang kahirapan at paghahandog ng kabuhayan” sabi ni Grace Ursua, regional director ng DOLE 1.

Sa nakaraang taon, naglaan ang DOLE ng P13,869,138 na pondo para sa 59 na pangkabuyan kung saan ang sektor ng magsasaka ang may pinakamalaking bilang na natulungan.

Sa taong ito, mayroong nakalaan ng P16,982,000 na pondo na inaasahang makatutulong sa humigit-kumulang na 2,816 katao.

Umaasa ang DOLE na sa lahat ng mabibigyan ng tulong-pangkabuhayan ay magiging matagumpay sa pagpapalago nito para sa kanilang sariling kapakanan. (ANL/CDG-PIA1 Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s