Tagalog news: 300,000 mahihirap sa Ilokos natulungan ng JCS Medical Mission

LUNGSOD NG VIGAN, Enero 24 (PIA) — Mahigit kumulang na 300,000 Ilokano mula sa mga dukhang pamilya o ang mga tinatawag na “poorest of the poor” lalo na sa mga liblib na pook ang natulungan ng isang misyong pangmedikal.

Ang JCS Medical Mission ay nakatulong sa mga mamamayan ng Ilocos Sur, Ilocos Norte at Abra bilang bahagi ng kanilang programa na may temang, “Para Kadagiti Marigrigat” (Para sa mga mahihirap).

Ito ang masayang ibinalita ni Jeremias Singson, pangulo ng JCS Foundation at miyembro ng Sangguniang Panglalawigan, sa naganap na “Kapihan iti Amianan” Media Forum noong nakaraang Linggo na napanood sa Iluko Heritage Channel (IHC) Cable at napakinggan sa DWRS Commando.

Ang JCS Foundation, isang non-profit, non-political organization.

Mula noong 2007 na nagsimula ang misyon ng JCS Foundation, tinatayang 300,000 na ang natulungang mga kapus-palad sa Ilokos, sa pakikipagtulungan ng pamahalaang probinsyal, Department of Health (DOH), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ang mga boluntaryong doktor at nurses mula sa iba’t ibang panig ng bansa at ibayong dagat.

“Bayanihan ito ng mga nasa pribadang sektor at ang mga nasa pamahalaan upang madugtungan ang buhay at matulungan na mapanatili ang kalusugan ng ating mga mahihirap na kapwang mga Ilokano,” ayon sa coordinator ng medical mission.

Sinabi pa ni Singson na nailunsad na ang mahigit na 100 misyong pangmedikal sa iba’t ibang panig ng Ilocos Sur lalong-lalo na sa mga liblib na bayan sa mga kabundukan at mga lugar na nasa tabi ng dagat.

Nakapagsagawa ng mga malalaki at maliliit na operasyon sa mga mayroong sakit sa puso, bato, atay, gayundin ang mga may katarata at mga may bingot sa Gabriela Silang General Hospital sa Heritage City ng Vigan at iba pang ospital ng gobyerno sa lalalwigan, ayon sa Bokal.

Nagbibiigay din ang JCS Foundation ng mga reading glasses, bitamina o gamot, mga gamit nang damit, tungkod para sa mga matatanda at mga upuan at mesa para sa mga Day Care Centers sa mga malalayong pook, idinagdag pa ng miyembro ng Provincial Board na ch airman ng Committee on Health.

Tumutulong din ang JCS sa mga indigents mula sa Ilocos Norte at Abra na nagasisilbing tulay para maiparating sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang kanilang karaingan na mapagkalooban sila ng financial assistance para sa kanilang pagpapagamot.

Malaki na rin ang naitulong ng mga dalubhasang doktor mula sa mga sikat na pribado at pampublikong ospital sa Metro Manila kabilang na ang mga kababayang manggagamot na mula pa sa Hawaii, California at New York.

Samantala, sa pakikipagtulungan ng Philippine Medical Association (PMA) sa New York, USA, sa pamumuno ni Dr. Rocky Singson, isang taga-Vigan, maglulunsad muli ang JCS Foundation at provincial government ng Medical Mission sa Pebrero 18-19, 2013 sa Gabriela Silang General Hospital sa Heritage City. (ANL/BPP-PIA1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s