Tagalog news: Sin Tax Law: Hindi apektado ang mga nagtatanim ng tabako – Zaragoza

NARVACAN, Ilocos Sur, Jan 18 (PIA) — Inihayag ng pamunuan ng National Tobacco Administration (NTA) na hindi apektado ang mga nagtatanim ng tabako sa pagtaas ng singil ng buwis ng sigarilyo at alak sa pagsasabatas ng “Sin Tax” dahil “in demand” ang produktong ito sa pandaigdigang merkado.

Ayon kay NTA Administrator Edgardo Zaragoza, bagamat bababa ang makokonsumong sigarilyo dahil sa pagtaas ng buwis nito walang dapat katakutan ng mga tobacco growers dahil hindi pa rin basta maglalaho ang pangunahing industriyang ito ng mga Ilokano.

“Ang paninigarilyo ay isang bisyo, addictive ito at malakas ang demand nito sa buong mundo,” iginiit ng opisyal ng NTA sa naganap na press conference sa tahanan nila sa bayang ito noong nakaraang linggo. Aniya, ang layunin ng pamahalaan ay nakatuon sa programa at serbisyo para sa kalusugan mula sa makokolekta sa Sin Tax.

Nakakatulong ito sa pagbibigay ng PhilHealth cards sa mga mahihirap nating kababayan at makakatulong din sa mga ospital ng gobyerno para mapalawak ang kanilang serbisyong pangkalusugan alinsunod sa adhikain ng Universal Health Care, sinabi pa ng administrador.

Iniulat ni Administrador Zaragoza, dating alkalde sa Narvacan, na walong milyong kilo ng tabako ang produksiyon sa bansa noong 2011 at halos 52 porsyento ang kailangan pang bilhin sa international market na 150 milyon hanggang 160 milyon kilo na pangangailangan sa merkado.

Ang medyo mahihirapan lamang ay ang mga local manufacturers dahil masbababa ang presyo nito kaya dapat itaas nila ang grado o uri ng kanilang produkto, idinagdag pa ni Zaragoza. Kaya’t hinihikayat ang mga nagtatanim ng tabako na sundin ang mga modernong teknolohiya dahil ang quality tobacco ang kayang lumaban sa merkado.

Iniutos din sa 100 technician ng ahensya na paigtingin ang kampanya ukol sa mga makabagong teknolohiya sa mga magsasaka.

Hiniling pa ni Zaragoza, dating bokal sa ikalawang distrito ng Ilocos Sur, sa mga Local Government Units (LGU’s) na maglaan ng pondo na diretsong pupunta sa mga nagtatanim ng tabako para magsilbing puhunan nila sa pagtatanim.

Sinabi niya na ang masisingil na karagdagang buwis sa sigarilyo ay madaragdag din sa RA 7171 fund ng bawat probinsiya na nagtatanim ng Virginia tobacco tulad ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Abra na nakakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga Ilokano. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s