Tagalog news: Pagudpud, Burgos kabilang sa ‘infra development project’ ng DPWH-DOT

LUNGSOD NG LAOAG, Enero 14 (PIA) — Kabilang ang bayan ng Pagudpud at Burgos sa Ilocos Norte sa nasa listahan ng “infrastructure development project” ng Department of Public Works and Highways o DPWH at ng Department of Tourism o DOT.

Ito ay ang pagsasaayos ng kalsada sa bahagi ng Kapurpurawan Rock Formation sa Burgos at Macini-Daduang Sand Road naman sa Pagudpud.

Sa pamamagitan ng convergence project ng DPWH-DOT na “Convergence Program for Enhancing Tourism Access” mapapadali na ang pagbiyahe ng mga turistang bumibisita sa mga tourism areas sa bansa dahil sa pagpapaganda ng mga kalsada rito.

Prayoridad ng mga ahensya na ayusin ang mga kalsadang daraanan papunta sa mga priority tourism areas ng bansa para mas lalo pang mapausbong ang turismo dito.

Sa lalawigan ng Ilocos Norte, ilan lamang ang Kapurpurawan Rock Formation sa Burgos at ang Pagudpud na kilala sa mga beaches at resorts ang kadalasang nagiging destinasyon ng mga turista rito.

Ayon kay Milagros Gonzales ng DOT-Ilocos Norte, malaki daw ang ginagampanang papel ng mga imprstraktura tungo sa pagpapa-unlad ng turismo sa probinsya, ginagawa daw nitong mas accessible ang mga nasabing tourism areas sa mga turista.

Ang Pagudpud at Burgos ang dalawa sa limang bayan sa Rehiyon 1 na mabebenepisyuhan ng nasabing proyekto.

Kabilang din sa kanila ay sa Bantay-San Ildefonso Section (Manila North Widening Road) sa bayan ng Bantay sa Ilocos Sur; Bangrin, Magrove Access Road sa Bani, Pangasinan; at ang Napudot Road, Balungao sa Pangasinan.

Ang convergence project ng DPWH-DOT ay naisakatuparan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement o MOA sa pagitang ng mga nasabing ahensya.

Magsisimulang ipatupad ang nasabing proyekto ngayong taong 2013 hanggang 2016. (ANL/CDG-PIA 1 Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s