Tagalog news: Mga programa ng DOLE-1, nakatulong sa pagtaas ng empleyo

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Enero (PIA) – Nakapagtala ang Kagawaran ng Empleyo at Paggawa o Department of Labor and Employment Region 1 (DOLE-1) ng 33,599 katao sa buong rehiyon na nabigyan ng trabaho noong taong 2012. Linampasan nito ang target na 22,688 (o 48 porsiyentong mas mataas) sa pamamagitan ng kanilang mga programa at mga kaakibat na ahensiya at organisasyon.

Ayon kay DOLE-1 Regional Director Grace Y. Ursua, ang target na 22,688 ay nalampasan dahil sa matibay na pakikipagtulungan ng DOLE-1 sa mga mga kaakibat nito gaya ng Public Employment Service Offices (PESO) sa mga lokal na yunit, mga ahensiya ng gobyerno, mga paaralan at mga organisasyon sa rehiyon.

Sa 33,599 na nabigyan ng trabaho, 19,341 dito ay mula sa Pangasinan; 4,906 sa La Union; 5,587 sa Ilocos Sur; at 3,765 sa Ilocos Norte.

Noong nakaraang taon, ang PESO at iba pang stakeholders ay nakapagsagawa ng 51 job fair. Bilang resulta, 2,087 na naghahanap ng trabaho ang nabigyan ng agarang hanap-buhay sa mga lokal na kumpanya, ayon kay DOLE-1 Information Officer Arly Sta Ana-Valdez.

Gayundin, ang labor market information (LMI) ay umabot na sa 106,317 kabilang na dito ang mga estudyante, magulang, at mga naghahanap ng trabaho, at 1,773 mga institusyon gaya ng paaralan at organisasyon, na siyang pinanggagalingan ng impormasyon hinggil sa mga trabaho kung ano ang ‘indemand’, mahihirap na punan, may matataas na sweldo, at iba, ito ay sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng impormasyon ng mga institusyon nabanggit.

“Sa pamamagitan ng LMI, ang mga naghahanap ng trabaho ay nabibigyang impormasyon hinggil sa mga kumpanyang may bakanteng posisyon, at upang malaman ng mga kumpanyang ito ang kahusayan ng mga manggagawa na nasa isang lokalidad, sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng job-skill matching,” paliwanang ni Ursua.

Gayunman, sinabi ni Ursua na ang problema sa ‘job-skill mismatch’ ay patuloy paring tinitugunan sa pamamagitan ng LMI at pagpapatibay sa grupo ng mga guidance counselors at coach na kung saan 27,012 estudyante sa sekundarya at kolehiyo noong nakaraang taon ay natulungan o napayuhan sa pagpili ng kanilang kukuning kurso.

Ngayong taon, ang DOLE-1 ay magpopokus sa lokal na trabaho na may target na 22,688 empleyo sa buong rehiyon sa pamamagitan ng pagbuo ng mas malawak at matibay na ugnayan o koordinasyon sa mga kaakibat na ahensiya at organisasyon nito at pagdadagdag ng kakayahan ng mga tagapagpatupad ng kanilang mga programa. (ANL/MBR-PIA 1 La Union may kaakibat na ulat mula sa DOLE-1/Arly Sta. Ana-Valdez)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s