Tagalog News: ‘2012 accomplishments’ ukol sa NGP, tinukoy ng DENR

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Enero  (PIA) — Inihayag ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan o DENR-1 na mayroong 8,897 ektarya ang natamnan kaugnay sa kanilang National Greening Program (NGP) base sa 7,121 ektarya na kabuuang target nito noong 2012 sa rehiyon uno.

Ayon kay Forest Management Specialist II Marietta M. Javierto, 4,981,780 na binhi ang naitanim mas mataas kumpara sa 4,003,780 na binhing kailangan.

Ang mga uri ng punlang naitanim ay bani, antipolo, bola-eta, batino, white lauan, ilang-ilang, bakawan, pagatpat o ‘mangrove apple’, avocado, benguet pine, dao at santol, aniya.

Mayroong ding kasoy, atchuete, atis, malubeg, siniguelas, tamarind, bitaog, palosapis, bignai, rambutan, ‘golden shower’, molave, kalumpit at bagalunga.

Ang DENR na siyang pangunahing ahenisya ng naturang programa ay nananatiling positibo na makamit ang 9,630,175 na binhing target kung saan 12,835 na ektarya ang tinukoy bilang ‘target area’ para sa buong rehiyon, ani pa ni Javierto.

Ang NGP ay isa sa mga prioridad na programa ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino sa bisa o pamamagitan ng Executive Order No. 26 na naglalayong mabawasan ang kahirapan, maitaguyod ang seguridad sa pagkain, mapanatili at maprotektahan ang kapaligiran at masugpo ang pagbabago ng klima. (ANL/MHH-PIA 1 La Union)

 Tags:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s