Tagalong news: Mga traysikel drayber, kutsero ng Burgos nagseminar ng tamang paraan ng pagtanggap ng turista

BURGOS, Ilocos Norte, Jan. 9 (PIA) — Sumabak sa seminar ang mga traysikel drayber at kutsero sa bayan ng Burgos, Ilocos Norte para pag-aralan ang tamang paraan ng pagtanggap at pakikitungo sa mga turista.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Turismo o DOT, naturuan ng tamang asal, gawi, at pananalita ang mga traysikel drayber at kutsero para sa mas maayos na pakikitungo nila sa mga turista na bumibisita sa kanilang lugar.

Ayon kay Milagros Gonzales ng DOT-Ilocos Norte, kailangan daw ang ganitong uri ng seminar lalo na at dumarami na naman ang mga turista na nagpupunta sa probinsya.

“Para malaman nila kung paano ang tamang pakikitungo sa mga turista at para mas mapadali ang negosasyon sa pagitan nila”, ayon kay Gonzales.

Sa Burgos halimbawa, kung saan matatagpuan ang sikat na ‘Kapurpurawan Rock Formation’, ay may kalayuan sa national road, kailangan gumamit ng traysikel papasok sa destinasyon.

“Makakatulong din sila para tumaas pa ang bilang ng mga bibisitang turista sa ating lugar sapagkat sila ang magbibigay-mukha bilang pambungad ang kanilang serbisyo” ayon pa kay Gonzales.

Naisakatuparan ang seminar na ito sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Burgos sa Ilocos Norte.

Magsasagawa din ang DOT ng parehong seminar sa iba pang ‘tourism development areas’ sa probinsiya para sa mas lalo pang mapaunlad na turismo dito. (ANL/CDG-PIA 1 Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s