Tagalog news: Mga beterano ng digmaan, nakatakdang parangalan ng Pangasinan provincial government

PANGASINAN, Enero  (PIA) — Nakatakdang parangalan ng Pangasinan provincial government ang mga beterano ng pangalawang digmaang pandaigdig o World War II veterans sa taunang Pangasinan Veterans Day kasabay ng ika-68 taong anibersaryo ng Lingayen Gulf Landings sa Enero nuebe na gaganapin sa bayan ng Lingayen.

Ayon kay Governor Amado Espino Jr, ang makasaysayang aktibidad ay isinasagawa sa probinsiya taun-taon upang ipaalala ang mga natatanging nagawa ng mga beterano at upang palakasin din ang pagiging makabayan sa mga Pangasinense lalo na sa mga kabataan.

Isang misa ang idaraos sa ganap na ala siyete ng umaga. Ito ay susundan ng wreath-laying ceremony pagkatapos ay ang simpleng programa kung saan isang video presentation at interview ng mga nabubuhay pang beterano ang ipapalabas.

Inimbitahan para sa okasyong ito ang tatlong ambassadors sa Pilipinas mula sa ibang bansa. Ito ay sina Harry Thomas ng United States of America, Bill Twedell ng Australia at Toshinao Urabe ng Japan.

Ang programa ay susundan ng Isang medical mission at pamimigay ng gift packs sa mga beterano. (ANL/VHS-PIA 1 Pangasinan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s