Tagalog news: Maagang pagtatala sa susunod na pasukan, nakatakda sa Enero 26

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Enero 9 (PIA) — Itinakda na ng Kagawaran ng Edukasyon ang maagang pagpaparehistro sa mga paaralan sa ika-26 ng Enero upang matiyak na lahat ng mga bata ay papasok sa taong 2013-2014.

Ayon kay, Alberto Macob, assistant schools division superintendent ng DepEd 1 ang kanilang ahensiya ay magsasagawa ng maigting na panawagan ukol sa kanilang programa sa iba’t ibang istasyon ng radyo sa rehiyon para mabigyang impormasyon ang mga magulang.

Bahagi din ng kampanya ang pagbisita ng mga ”school supervisors” sa mga pinuno ng paaralan upang paalalahanan sila hinggil sa pagpaparehistro sa kani-kanilang lugar at agarang maparehistro ang mga estudyante lalong-lalo na ang mga kabataang hindi nag-aaral o out-of-school-youth (OSY).

Bagamat, sinabi ni Macob na kung sakaling hindi maging maganda ang epekto ng naturang aktibidad, ipagpapatuloy nila ito sa mga susunod na Sabado nang sa ganun makamit nila ang kanilang inaasam na layunin at makalikha ng mga paghahanda para matugunan ang mga pangangailangan.

Isa ring pagpupulong ang isasakatuparan kasama ang mga opisyales ng mga barangay para hikayatin ang mga nagtapos ng elementarya na hindi nakapag ”enroll” o kaya’y “dropped out” sa paaralan para sa maagang pagpapatala nang sa ganun matukoy kung anong programa ang kailangan para sa kanila, ani ni Macob.

Samantala, ang katibayan ng kapanganakan ng bata ang isa sa mga dokumentong basehan para sa araw ng “registration” ngunit kung ito’y wala pa, ang dokumento ay maaari pa ring isumite ng mas maaga pa sa Hunyo o dili kaya’y sa loob ng school year, ayon sa DepEd.

Ang maagang pagpapatala gayunman ay bilang tugon sa DepEd Order No. 89 series of 2012 kung saan naglalayong makamit ang Millennium Development Goals ukol sa “Universalization of Primary (Basic) Education” at layunin ng “Education For All,” paliwanag ni Macob.

Base sa direksiyon, ito rin ay may adhikaing maabot ang lahat ng mga lima at anim na taong gulang na bata upang masiguro ang kanilang enrollment para sa 2013-2014 sa kindergarten at grade one. (ANL/MHH-PIA 1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s