Tagalog news: Ilocos Norte ‘Task-Force-Trabaho’ naglaan ng hanap-buhay sa mga mag-aaral, OSYTagalog news: Ilocos Norte ‘Task-Force-Trabaho’ naglaan ng hanap-buhay sa mga mag-aaral, OSYTagalog news: Ilocos Norte ‘Task-Force-Trabaho’ naglaan ng hanap-buhay sa mga mag-aaral, OSYTagalog news: Ilocos Norte ‘Task-Force-Trabaho’ naglaan ng hanap-buhay sa mga mag-aaral, OSY

LUNGSOD NG LAOAG, Jan 8 (PIA) — Naglaan ng trabaho para sa mga mag-aaral at out-of-school youth ang pamahalaang probinsyal ng Ilocos Norte nitong bakasyon sa pamamagitan ng “Task-Force-Trabaho.”

Mayroong 100 kabataan ang nabigyan ng trabaho bilang tourism aides, first aid medical assistants at utility workers upang maging katuwang ng lalawigan sa pagbibigay-serbisyo sa mga turistang bumibisita dito.

Sinabi ni Ianree Raquel ng Provincial Tourism Office na kinakailangan ng lokal na pamahalaan na magdagdag ng mga empleyado bunsod ng paglobo ng bilang ng mga turista sa probinsya.

Ayon pa kay Raquel, kinakailangan ng katuwang nga mga home stays, hotels at iba pang tanggapan dito sa pagbibigay serbisyo sa mga turista para mapanatili ang kalidad nito.

Kamakailan, mayroong 100 mag-aaral at OSY ang nabigyan ng trabaho nito lamang Pasko at Bagong Taon.

Naniniwala si Raquel na kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon ay patuloy ang pamahalaang probinsyal sa pagkuha ng dagdag empleyado tuwing bakasyon lalo na kung peak season.

Nagsimula nang kumapal ang listahan ng mga turistang bumibisita sa Ilocos Norte noong Nobyembre kung saan ipinagdiwang dito ang ‘Semana ti Ar-arya’ (haloween bash) at inaasahang magpapatuloy hanggang Semana Santa o Mahal na Araw.

Nagkaroon na din ng ganitong senaryo noong Hulyo ng nakaraang taon kung saan nakapagtala ang lalawigan ng mahigit 600,000 na turista at nakapagbigay-trabaho sa may 300 katao dito.

Sa pamamagitan ng Task-Force-Trabaho, tutulungan ng pamahalaang probinsyal na magkaaroon ng trabaho ang mga Ilocano bilang tugon sa unemployment at kahirapan. (ANL/CDG-PIA 1 Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s