Tagalog news: Bagong gusali ng BFP, itatayo sa Heritage City

LUNGSOD NG VIGAN, Enero  (PIA) — Para mas lalong makakatulong sa pagsugpo ng sunog at mas mabilis na pag-responde sa anumang sakuna sa Heritage City sa Ilocos Sur na madalas puntahan ng mga dayuhan at lokal na turista, magtatayo ng bagong gusali ang Bureau of Fire Protection dito sa 2013.

Ayon kay City Fire Marshall Floro Obrero naglaan na ang pamahalaan ng lungsod na pinamumunuan ni Mayor Eva Medina ng P4.5 milyon para maitayo na ang bagong BFP building na may mga modernong kagamitan.

“Idedemolish ang lumang gusali ng BFP na nasa malapit ng City Hall at Vigan Trade and Culture Center, para dito rin maitayo ang bagong building na magsisimula sa Pebrero,” ayon sa City Fire Marshal

“Tuwing umuulan na noon apektado ang mga empleyado sa opisina namin sa lumang gusali kaya panahon na rin para magkaroon ng bagong building ng BFP dito sa Heritage City,” idinagdag ni Obrero.

Iniulat pa niya na dalawang fire trucks ang naiparada sa mismong Vigan Heritage Village noong Kapaskuhan at Bagong Taon na kung saan ipinagbawal ang pagpapaputok ng labintador o pagsisindi ng anumang pyrotechnics sa tourist spot na ito na nakaukit sa World Heritage Sites ng UNESCO.

Nagpasalamat ang opisyal ng BFP sa mga media at sa Department of Health (DOH) sa maigting na kampanya ng “Iwas Paputok” sa nakaraang Pasko at Bagong Taon dahil walang naganap na sunog at kakaunti lang ang mga nabiktima ng firecrackers.

Patuloy din ang isinasagawang inspeksiyon ng ahensya sa mga gusaling pangkalakalan kabilang na ang mga pampublikong opisina kung sumusunod sila sa mga alintuntuning itinakda ng BFP para maiwasan ang sunog, ayon pa sa kanya.

Sa nakaraang taon, nagpatupad din ang BFP sa tulong ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ng fire drill at earthquake drill sa mga paaralan para masanay ang mga estudyante ng kanilang mga dapat gawin sa panahon ng sunog at lindol. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s