Tagalog news: PGLU-PESO nagsagawa ng “Christmas job fair” sa La Union

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Enero 8 (PIA) — Matagumpay na isinagawa kamakailan ang La Union Job Fair na pinangunahan ng panlalawigang pamahalaan ng La Union (PGLU) sa pakikipagtulungan ng Philippine Employment Service Office (Peso) na ginanap sa Father Burgos Gymnasium, Saint Louis College, dito sa lungsod.

Ito din ay sa pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Overseas Employment Office, Saint Louis College at iba pang mga ahensiya ng gobyerno.

Ang aktibidad na ito, ayon kay Charito C. Dator, administrative officer ng Peso ay resulta ng tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng La Union, sa layunin nitong matulungan ang mga nasasakupan na magkaroon ng trabaho at magkaroon lalo ng “transparency” sa publiko.

Sa nasabing job fair, nakakalap sila ng humigit-kumulang na 3,258 na trabaho sa ibang bansa mula sa mga “recruitment agencies” at 560 naman ang mula sa 17 pribadong establisimiyento para sa mga lokal na trabaho.

Sa kabuuan, umabot na sa 671 ang mga aplikante: 325 ang tinukoy na kwalipikado, 204 ang naka-iskedyul na muling mainterbyu, 54 ang kukuha ng pagsusulit at 56 naman ang mapalad na natanggap agad.

Ang mga binuksang trabahong lokal ay accounting staff, technical support representatives, customer service representatives, management trainees, sales supervisors/personnel, high school instructors, tech-voc teachers/trainors, clerical staff, cashiers, accounting supervisors, budget/control officer, drivers at iba pa ang mga oportunidad pang trabahong lokal.

Ang mga naimbitihang mga local employers ay ang Active Finance, Archway Multi Services Corporation, Balingit Home Furnishings, Cocolife, Rang-ay Bank, Inc., La Union Colleges of Science and Technology, North Point Development Bank, One Union Realty, Rabon Management Services Inc., Toyota La Union, Inc., Sitel Philippines, TSPI, U-Profit Sales and Distribution, Mart One (The Expressions) at RRJ.

Ilan sa mga lisensiyadong recruitment agencies ang nasa job fair ay ang 1st Northern International Placement Agency, Inc., Al-Alamia Manpower Services, Inc., Androme Recruitment Management Services, Ascend International Services, Inc., .D.A. Rodrigo International Manpower Services, Inc., Eyequest International Manpower Services, Inc., France Asia International Specialist, Incorporated, Global-Expertise Management, Inc., Humania International, Inc., Lead Resources Management Corporation, Mayonview International Manpower Services, Melakom Global Services, Inc., MSL Stars Agency, Sunview International Manpower Services, Inc., at Topmost Management Specialist.

Samantala, ang mga rabahong pang ibayong dagat ay para sa mga inhinyerong pang mekanikal at elektrikal, mga lisensyadong nars, mga dentista, mga physical therapist, midwives fitters, mga supervisor, service crews, waiters, company drivers, diesel mechanics, interior designers, electronics engineers, masons, plumbers, mga karpintero, household service workers, cost controllers, waiters/waitresses, storekeepers, electricians at iba pa.

Nagbigay naman ng “counseling at information dissemination” ang mga ahensyang nasyonal sa mga taga La Union gaya ng DOLE, Overseas Workers and Welfare Administrations, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Foreign Affairs, Department of Trade and Industry at Social Security System. (ANL/EMR-PIA 1, La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s