Tagalog News: Tech-voc scholarship itataguyod ng TESDA-1 para sa mas mahihirap na kabataan

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Enero 7 (PIA) — Inaasahang ipagpapatuloy na itaguyod ng Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan o TESDA-1 ang kanilang Cash for Training Program ngayong Enero upang makapagabot ng mga programang ukol sa pagsasanay sa mga kabataan para sa kapaki-pakinabang na paghahanap ng kanilang hanapbuhay sa hinaharap, ayon kay TESDA La Union Specialist Mario B. Flores.

Aniya, karamihan ng mga bayan ay mayroong apatnapu’t iskolar na tinukoy ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad o DSWD 1 bilang karapat-dapat na maging benepisyaryo ng programa kung saan sila’y may pagpipiliang mula sa dalawang pangunahing ‘component’ nito kabilang na ang ‘Training for wage-employment’ o Trabaho at ‘Training for Self-Employment’ o Hanapbuhay.

Ayon sa ahensiya, ang mga benepisyaryo na mapapabilang sa Trabaho ay sasailalim sa pagsaanay at tutulungan sa pamamagitan ng ‘job bridging activities’ upang matulungan silang maiakma ang kanilang mga kasanayan para sa isang partikular na trabaho mula sa kanilang pagtatapos.

Samantala sa Hanapbuhay, maaaring ‘onsite’, ‘school-supervised’ o sa pamamagitan ng ‘partner non-government organization’.

Bawa’t scholar ay mabibigyan din ng scholarship voucher, toolkit para sa mga magsasanay hinggil sa Hanapbuhay, ‘livelihood assistance’ at sustento sa transportasyon, paliwanag ni Flores.

Tiniyak nito na pagkatapos ng pagsasanay, ang mga nagtapos ng technical-vocational na kurso ay matutulngan bilang halimbawa na dito ang TESDA Specialista Technopreneurship Program kung saan puwede silang magtrabaho gayunrin maingat ang katayuan ng kanilang buhay.

Bagama’t, ang sinumang indibidwal na gustong mag enroll sa iba pang ‘technical-vocational scholarship’ ay maaaring magsadya at mag apply sa aming pangrehiyong opisina dito sa lungsod, diin pa ni Flores.

Ang programa ay isa sa mga panibagong programa ng TESDA mula sa pakikipagugnayan sa DSWD na inilunsad noong Disyembre. Ito’y may layuning hasain ang mga kasanayan at potensyal ng mga mahihirap at walang trabahong kabataan sa rehiyon para tulungan silang magkaroon ng trabaho at sa bandang huli, mabawasan ang insidente ng kahirapan base sa Regional Development Plan. (ANL/MHH-PIA 1 La Union)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s