Tagalog news feature: Negosyong ‘Banana at Camote Chips’ umunlad sa tulong ng DOST

LUNGSOD NG VIGAN, Ilocos Sur, Enero 7 (PIA) — Gumanda ang pamumuhay ng isang pamiliya sa Ilocos Sur na gumagawa ng camote at banana chips dahil sa tulong ng DOST, ayon sa Provincial Director ng Science and Technology Center na si Ramon Sumabat.

Ayon kay Sumabat ang pamilyang ito sa bayan ng Santo Domingo na may-ari ng Olan Food Products ay binigyan ng DOST noong 2006 ng tulong upang mapaunlad ang kalidad ng kanilang produkto. And mga ito ay ang paghiwa sa kamote at saging, pati narin ang pagsanay sa kanila sa pagluluto ng camote at banana chips, wastong pagpapatakbo ng negosyo at pagsunod sa mga alituntunin ng malinis na paggawa ng pagkain. Malaki rin ang nabibigay ng magandang pakete ng produkto at etiketang nagbibigay ng pangalan ng negosyo.

Dahil sa mga tulong na ito ng DOST umunlad ang negosyo at ito na ang dahilan kung bakit binigyan ng naturang kumpanya ng Small Enterprises Technology Upgrading (SET-UP) Program ng DOST, ayon pa kay Sumabat.

Ang programang ito na nagkakahalaga ng P100,000 ay binigyan ng makinang pagpiprituhan o ‘deep fryer’ ng mga kamote at saging at pansara sa mga pakete na tinatawag na ‘continuous horizontal band sealer.’ Nakumpleto ang proyektong ito sa gitna ng Disyembre noong 2010.

Kinuwento pa ni Sumabat kung paano dumami ang produktong nagagawa ng pamilya dahil sa mga naibigay ng DOST. Ito na rin ang dahilan kung bakit tumaas ang kita ng kanilang pamilya.

Dahil sa mga tulong ng DOST, ang pagpiprito ng mga saging at kamote ay pantay-pantay na. Wala nang nasusunog at nasasayang. Madali na ring magsara sa mga supot o pakete dahil naging 25 hanggang 30 pakete ang naisasara sa isang minuto, mas mataas sa 14 pakete sa isang minuto noon. (ANL/ICR-PIA1 Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s