Tagalog news: ‘Alay Pamasko’ sa mga dukhang pamilya sa Poro, Magsingal

MAGSINGAL, Ilocos Sur, Enero 3 (PIA) — Para sa DWRS Commando, kasamahan ng Radio Mindanao Network (RMN), hindi lamang ang pagbibigay ng mahahalagang impormasyon at napapanahong komentaryo sa mga Ilokano ang kanilang adhikain kundi ang tumutulong din sa mga kapus-palad na kababayan.

Sa panahon ng Kapaskuhan, nagsilbing Santa Claus ang mga empleyado ng naturang himpilan ng radio upang ibahagi ang tunay na diwa ng Pasko.

Umabot sa 20 mahihirap na pamilya mula sa mga itinuturing na “poorest of the poor” na nasa listahan ng mga social workers ang natulungan noong Disyembre 30 sa Barangay Poro, pinakadukha at pinakaliblib na pook sa maliit na bayang ito na ang pagtatanim ng tabakong birhinya at pangingisda ang pangunahing pinagmumulan ng ikinabubuhay ng mga mamamayan.

Ayon kay Rosario “Chato” Alda, station manager ng DWRS, bahagi ito ng kanilang “corporate social responsibility” para makatulong ang himpilan sa mga kapus-palad na kababayan tulad ng pagbibigay ng mga handog pamasko.

Naipagkaloob dito ang mga delata, tulad ng sardinas at corned beef, noodles, ham, bigas at iba pang handog pamasko na nagsilbing ”merdia noche” sa Bagong Taon ng mga benepisyaryo, ayon pa kay Alda.

Mula nang pumalaot sa dagat ang kanyang kabiyak na mangingisda noong 2010 hindi na nakabalik sa kanyang pamilya, na para kay Rosa Torricer, isa sa mga tumanggap ng regalo, “Sa mga nagdaang pasko, wala man lamang kaming pambili ng pang- Noche Buena.”

Sinabi niya na ngayon lang Paskong ito nakatikim ang kanyang apat na anak ng mga ganitong pamaskong handog dahil hirap siyang buhayin ang mga ito simula nang mawala ang kanyang asawa na maaring nalunod sa kasagsagan ng bagyo noong 2010.

Sinabi naman ni Amelia Bumagat na tinapay lamang ang palaging pinaghahatian nila ng kanyang pamilya tuwing darating ang Pasko dahil hindi rin sapat ang nahuhuling isda ng kanyang kabiyak para sa kanyang mga anak.

Maliban sa handog pamasko, sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaang probinsyal, tumutulong din ang Commando Radio upang magsilbing tulay para matulungan ng Philippine Charity Sweepstakes, Department of Health at ng iba pang sangay ng pamahalaan ang mga dukhang may sakit. (ANL/BPP-PIA1 Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s