Tagalog news: Araw ng mga Propesyonal isasagawa ng PRC sa lungsod ng Dagupan

LUNGSOD NG DAGUPAN,  (PIA) — Isasagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) ang programang “Araw ng mga Propesyonal” sa Sabado, ika-15 ng Disyembre sa Dagupan City National High School dito sa lungsod.

Hangad ng PRC na mailapit ang iba’t ibang serbisyo nito sa mga prospeyonal sa lalawigan ng Pangasinan.

Bukod sa makatitipid sila sa pamasahe at iba pang gastusin, hindi na rin sila masyadong mapapagod dahil hindi na nila kailangang magtungo pa sa lungsod ng Baguio kung saan naroon ang tanggapan ng PRC upang magsagawa ng kanilang mga transaksyon.

Kabilang sa mga serbisyong iaabot ng PRC ay ang pagtatala ng mga pumasa sa iba’t ibang pagsusulit; pag-“renew” ng lisensya; pagbibigay ng lisensya, “board certificate,” at “certification of good standing,” at pagtanggap ng mga aplikasyon para sa Licensure Examination for Teachers na gaganapin sa Marso 2013 at mga aplikasyon para sa iba pang mga pagsusulit.

Magsisimula ang nabanggit na programa ng ika-siyam ng umaga at magtatapos sa ika-apat ng hapon.

Paalala ng PRC sa mga nais kumuha ng kanilang mga lisensya at “board certificate,” mag-e-mail sa prcbaguio.regulations.renewal@gmail.com o ipadala sa pamamagitan ng “text message” sa numerong 0921-969-3919 o sa 0916-627-9338 ang mga sumusunod na impormasyon: lugar kung saan ito kukunin, pangalan, propesyon,“registration number;” at petsa kung kailan nagpatala. (ANL/AMM-PIA 1 Pangasinan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s