PhilHealth cards magagamit pa rin sa mga infirmary at klinika

DAGUPAN CITY, Nob 12 (PIA) –Ang mga Philhealth cards na pinagkaloob sa mga miyembro ay magagamit pa rin sa mga pasilidad pangkalusugan o health care facilities na na-reclassify bilang mga infirmary at kilinika.

Ito ang tugon ng PhilHealth sa pahayag ni Dr. Rustico Jimenez, presidente ng Private Hospitals Association, na nanganganib daw na ang mga Philheath cards na maging useless o walang kabuluhan sa mga infirmary o klinika alinsunod sa bagong polisiya ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Irene Martinez, information officer ng PhilHealth-1, awtomatikong tinatanggap ng PhilHealth ang lahat ng pasilidad na may lisensiya na mag-operate galing sa DOH. Magkakaroon lang aniya ng mga adjustment sa bago nitong klasipikasyon.

TIniyak ng PhilHealth na ibibigay nila ang karampatang benepisyo na maaaring makuha sa mga infirmary upang maisiguro ang tuloy tuloy na pagkakamit ng serbisyong pangkalusugan ng publiko.

Ia-adjust lamang, aniya, ng PhilHealth ang mga reimbursements base sa adjusted service capability ng mga kilinika.

Ayon pa kay Martinez, ang mga ganitong pagbabago ay ine-encourage ng PhilHealth para na rin sa kapakanan ng mga Pinoy na dapat mabigyan ng pinakamagandang serbisiyong medikal. (ANL/VHS-PIA 1 Pangasinan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s