Tagalog news: Mga Pinoy na doktor mula New York, maglulunsad ng medical mission sa Ilocos Sur

LUNGSOD NG VIGAN, Ilocos Sur, Okt 17 (PIA) — Para kay Dr. Rufino “Rocky” Singson, isang bantog na Pilipinong doctor sa New York, USA, hindi sapat ang tinatamasang tagumpay sa ibang bansa kung hindi rin ipamahagi sa mga kababayan sa Pilipinas lalo na sa mga kapwa niya Ilokano.

Si Singson ay tubong Vigan, pangulo ng Philippine Medical Association (PMA) – New York Chapter na nakaiskedyul na maglunsad ng medical mission sa iba’t ibang bayan sa Ilocos Sur kabilang na ang Heritage City ng Vigan.

Ayon kay Bokal Jeremias “Jerry” Singson, chairman ng Committee on Health sa Sangguniang Panglalawigan, bahagi ito ng misyon ng mga Filipinong manggagamot sa Amerika na makatulong sa kanilang mga kababayan lalo na ang mga dukhang pamilya.

Sinabi ng kasapi ng Hunta Probinsyal na maisasagawa ang mga major at minor surgeries at operasyon sa Gabriela Silang General Hospital sa Vigan na may sakit sa puso, kidney o bato, atay, at iba pang malalang sakit.

“Ang lahat na gagamitin nilang medical equipment na dinala mula sa US, iiwan nila sa ospital pagkatapos ng Medical Mission para magamit sa mga pasyente,” idinagdag ni Singson.

“Maipatupad din ang operasyon para sa mga mamamayan lalo na ang mga matatanda na may katarata, goiter, at mga may cleft-palate,” sinabi ng bokal.

Maglulunsad ang grupo na binubuo ng mga volunteer doctors at nurses ng medical mission sa iba’t ibang bayan para puntiryahin ang mga mahihirap na pamilya na may sakit na mapagkalooban pa ng libreng gamot o bitamina pati reading glasses.

Sinabi ng bokal na pangulo ng JCS Foundation, na noong Pebrero sa nakaraang taon, naglunsad din ang mga kasapi ng PMA-Chicago Chapter ng Medical Mission sa Ilocos Sur na kung saan natulungan ang mahigit na 10,000 maralitang mamamayan.

Pati ang Aloha Medical Mission na binubuo nga mga boluntaryong doctor at nurses mula sa Ilocos Surian’s Association of Hawaii na pinamumunuan ni Danny Villaruz nakatulong din sa mga kababayan noong nakaraang Pasko. (ANL/BPP-PIA 1, Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s