Tagalog News: LU Surfing Break ‘Fun Run’ itataguyod para sa Red Cross

SAN FERNANDO CITY, La Union, Oktubre 21 (PIA)–Ang mga manggagawa at estudyante mula sa iba’t-ibang institusyon, pribado at publikong sektor ay maaaring sumali sa fun run sa ika-26 ng Oktubre bilang bahagi ng pagsisimula ng 7th La Union Surfing Break, ayon kay Michelle Bermudez ng Philippine Red Cross (PRC)-La Union Chapter.

Aniya, ang malilikom na pera mula sa fun run ay mailalaan para sa pagsasanay ng kanilang mga benepisyaryo partikular na ang mga local surfers at community volunteers sa first aid, basic life support-CPR at ‘basic safety and rescue lifeguarding, sa pamamagitan ng PRC’.

“Sa pamamagitan ng pondong maiipon, matutulungan natin ang mga local surfers at volunteers na makapagsanay sa nararapat na ‘lifesaving skills’ nang sa ganun matiyak ang kaligtasan ng mga ‘surfers’ at ‘beachgoers’, ayon sa PRC-La Union Chapter.

Ang fun run ay bubuuin ng dalawang kategorya, 3k kung saan P250 ang bayad sa pagpaparehistro at P300 naman sa P5k. Ang 3k ay magsisimula mula sa plaza sa bayan ng San Juan hanggang Urbiztondo Surfing Break area, habang ang 5k race ay maguumpisa sa plaza ng lungsod ng San Fernando papunta sa Surfing Break area.

“Ang pagpaparehistro ay hanggang Oktubre 20, bagama’t, ipagpapatuloy pa rin namin ang pagpaparehistro bago ang nasabing aktibidad upang mas marami pang kalahok ang mailista, aniya.

Dagdag pa niya, ang mga interesadong indibidwal ay maaaring bumisita sa kanilang opisina para sa karagdagang impormasyon, o kaya’y tawagan sila sa numerong (072) 700-5161/ (O72) 607-3143.(JCR/MHH PIA1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s