Tagalog news: KBP-Pangasinan nagsagawa ng “broadcastreeing” sa San Fabian

SAN FABIAN, Pangasinan, Okt 19 (PIA) — Nagtanim ng mga puno ang mga miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP)-Pangasinan Chapter sa bayang ito noong Sabado, Oktubre 13.

Ayon kay Bernie Errasquin, pangulo ng KBP-Pangasinan, ang aktibidad na tinawag na “broadcastreeing” ay isinagawa nang sabay-sabay sa buong bansa ng 30 samahan ng KBP bilang tugon sa National Greening Program (NGP) ni Pangulong Benigno Aquino.

Layunin sa NGP na makapagtanim ng 1.5 na bilyong mga puno sa 1.5 na milyong ektarya ng pampublikong lupain sa loob ng anim na taon, mula 2011 hanggang taong 2016.

Tinamnan ng “fire trees” ang 10 barangay sa bayan ng San Fabian. Kabilang dito ang mga barangay ng Alacan, Cayanga, Guilig, Longos, Mabilao, Poblacion, Rabon, Tempra, Tiblong at Tocok.

Ani Errasquin, ibinigay ng Community Environment and Natural Resources Office ang mga binhing itinanim sa mga barangay na ito.

Nagpasalamat si Irene Libunao, alkalde ng San Fabian, sa pagkakapili ng kanilang bayan bilang lugar na pagtatamnan ng mga puno. Aniya, ang “fire trees” na namumukadkad tuwing tag-araw ay makadadagdag sa ganda ng kanilang bayan na isa sa mga dinarayo ng mga turista sa Pangasinan.

Bilang tanda ng pasasalamat, nagbigay si Libunao ng sardinas na gawa sa bangus sa mga kasapi ng KBP maging sa ibang mga ahensiyang nakibahagi sa okasyon.

Ang produkto ay ginawa ng Pangasinan Council of Women na bahagi ng kanilang One Town, One Product (OTOP) at isa sa mga pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga kababaihan sa bayan ng San Fabian.

Hiniling ni Errasquin sa mga residente ng San Fabian na patuloy na alagaan ang mga punong itinanim upang ito ay lumago.

Kaisa ng KBP ang Department of Environment and Natural Resources, Department of Interior and Local Government, Philippine National Police at Philippine Red Cross sa pagsasakatuparan ng broadcastreeing. (ANL/AMM/PIA 1-Pangasinan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s