Tagalog news: Pandaraya, dagdag-wawas, di uubra sa PCOS machines – Comelec

LUNGSOD NG VIGAN, Set 29 (PIA) — Hindi uubra ang pandaraya o “dagdag- bawas” sa mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines sa gagamitin sa halalang lokal at nasyonal sa Mayo 13, 2013.

Ito ang pahayag ni Regional Director Manuel “Noli” Pipo ng Comelec sa Ilokos sa nakaraang “Kapihan iti Amianan” Media Forum.

“Napatunayan na ang accuracy ng poll automation sa nakaraang eleksiyon noong 2010 local at national elections, mas lalo na sa darating na halalan sa susunod na taon, dahil parehong PCOS machine din ang gagamitin at ang puspusang paghahanda na ginawa ng Comelec,” ani Pipo.

Sinabi Pipo na may mga “security features” o “security codes” ang mga PCOS machines dahil iluluwa o ire-reject nito ang mga peke at “tampered” ballots kaya mahirap ang mandaya sa poll automation.

Mapupuksa na ang tinatawag na dagdag bawas sa resulta ng eleksiyon dahil hindi na ito uubra sa poll automation bilang bahagi ng electoral reforms na ipinapatupad ng Comelec na pinamumunuan ni Chairman Sixto Brillantes.

Hinikayat din ng direktor ang mga nongovernmental oganizations, civic at religious organizations kasama ang media na makiisa sa kampanya na Honest Orderly and Peaceful Elections (HOPE) 2013 para malaya na makaboto ang mga mamamayan na walang intimidasyon.

Hiniling din ang mga Sangguniang Kabataan na may 18 taong gulang pataas o mag-18 na sa Mayo 13, 2013 eleksyon na maari silang magrehistro hanggang Oktobre 31; pati na rin ang mga botante para sa validation o reactivation ng listahan ng mga botante. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s