Tagalog news: Pagtatanim, pangkalusugan tututukan ng Ilocos Sur Medical Society

VIGAN, Ilocos Sur, Set 21 (PIA) — Tutukan ng Ilocos Sur Medical Society (ISMS) ang pangangalaga ng kalikasan at kalusugan ng mga Ilokano lalo na ang mga mahihirap na pamilya para sa malusog at maunlad na bansa.

Sabi ni Dr. Esperanza Lahoz, pangulo ng ISMS, bilang selebrasyon sa anibersaryo ng grupo ng mga manggagamot sa lalawigan, ilulunsad ang “Linggo ng Kalusugan” na binubuo ng iba’t-ibang programang nakakatulong sa mga mamayan, pati ang kampanya laban sa “climate change (pagbabago ng klima).”

Sa isang linggong pagdiriwang simula Setyembre 23- 30, maglulunsad ang ISMS sa pakikipagtulungan ng Philippine College of Surgeons, ng Surgical Mission sa Gabriela Silang General Hospital sa Heritage City ng Vigan para matulungan ang mga dukhang pasyente sa lalawigan, sabi ni Lahoz.

Makikiisa din ang mga doktor na kasapi sa grupo sa adhikain ng pamahalaan na National Greening Program sa pagpapatupad ng tree- planting activities sa bayan ng San Vicente.

Ilulunsad din ang “Healthy Baby” contest sa Vigan City Hall para mapili at maparangalan ang pinakamalusog na sanggol liban pa sa orientasyon sa mga magulang tungkol sa wastong pangangalaga sa mga sanggol at bata, sabi ng opisyal ng ISMS.

Sa ika-26 ng Setyembre, ipapatupad ang Health Forum ukol sa malusog na pamumuhay para sa mga estudyante at pati mga empleyado sa University of Northern Philippines (UNP).

Bilang selebrasyon ng Araw ng Kababaihan sa ika-27 ng Setyembre, magaganap ang lecture tungkol sa “human sexuality (sekswalidad ng tao)” at “responsible parenthood (responsableng pag-aanak)” sa Ilocos Sur National High School (ISNHS) na dadaluhan ng mga estudyante, guro at magulang.

Tampok din sa pagdiriwang ang pamimigay ng libreng salamin sa mata para sa mga mahihirap sa Barangay Cuta sa Vigan, “blood test (pagsusuri ng dugo),” “electrocardiogram,” konsultasyong medikal, at paligsahan sa pagsusulat ng sanaysay ukol sa pangagalaga ng kalikasan para sa mga mag-aaral sa high school. (ANL/BPP-PIA1, Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s