Tagalog news: La Union police naghahanda na para sa 2013 election

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Set 21 (PIA) — Upang matiyak na ligtas at tahimik ang eleksiyon sa 2013, ngayon pa lamang ay naghahanda na ang La Union Provincial Police Office (LUPPO) ng kanilang plano at aksyong isasagawa dito sa probinsiya.

Inihayag ni Police Supt. Marlon Paiste ng LUPPO na sila’y magtatakda ng Election Monitoring Action Center sa probinsiya at sa mga bayan gayundin sa lungsod dito sa nakaraang “Danggayan” radio program sa DWLU.

Mayroon ding “activation” ng Task Force (TF) Honesty, Orderly and Peaceful Elections (HOPE) at TF elected government officials, at organisasyon ng special task group para lansagin ang partisan armed groups.

Aniya, ang special task group na malilikha ay bubuuin ng apat hanggang walong pulis sa bawat lupon o grupo na siyang magsusubaybay, magsisiyasat, at mag-aaresto ng mga indibidwal na sangkot sa PAGs o “private armies,” partikular na sa mga taong may kaugnay sa mga politiko, bilang parte ng kanilang pagpapanatili ng panatag at maayos na eleksiyon.

Ang LUPPO ay magtatalaga ng mga senior officers bilang area supervisors ng matulungan ang mga panglalawigang direktor sa pagsusubaybay sa HOPE at maghihirang rin ng “PNP liaison team” sa Commission on Election (Comelec).

Dagdag ni Paiste, ang iba pang preparasyon na kanilang itataguyod ay ang mga sumusunod: paghahanda ng isang “security plan” para sa mga voting centers; pagsasagawa ng Peace Covenants and Mass for Peace sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Parish Pastoral Council para sa Responsible Voting; pagtatatag ng Comelec-PNP checkpoints partikular na sa mga “strategic locations;” paghihigpit sa pag-inom ng alak, pagsasabong, at iba pang labag sa batas na aktibidad; organisasyon ng “tactical battalion” na kabibilangan ng mga pulis ng LUPPO para sa maagap na deployment; paggamit ng available resources, at paguupa o pagkuha ng “transport vehicles” at higit sa lahat pakikipagayos sa Comelec at mga “deputized agencies” para sa paggamit ng kanilang mga kagamitan.

“Hindi namin ito maisasakatuparan lahat kung walang suporta at partisipasyon ng mga tao,” ani ni Paiste.

Binigyang diin nito na hindi dapat pahintulutan ng publiko ang “vote buying” at ipaalam sa mga awtoridad ang kahit anong maling gawain na kanilang mapapansin o mararanasan sa kanilang lugar. Iboto lamang natin ang mga kandidatong talagang makakapagsilbi ng mabuti sa nalalapit na eleksiyon,” tugon niya. (ANL/MHH-PIA 1, La Union)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s