Tagalog news: Water lily, balat ng mais, kabuhayan ng mga Ilokano

CAOAYAN, Ilocos Sur, Sept 15 (PIA) — Pinapakinabangan ng mga mahihirap na pamilya sa maliit na bayang ito ang mga lumulutang na water lily sa mga ilog at mga balat ng mais na nakakalat sa mga taniman bilang kabuhayan.

Sabi ni Mayor Germelina Goulart, naitayo na ang Water lily Handicraft Association na binubuo ng 20 kasapi sa Barangay Nansuagao, isa sa mga pinakamahirap na lugar sa bayan para magsilbing livelihood project nila ang mga water lily na nakukuha sa ilog.

Sinabi ni Goulart na itinataguyod ng pamahalaang municipal ang “One Barangay, One Product” (OBOP) maliban sa “One Town, One Product” (OTOP) na nakakatulong sa pagpapaunlad ng eknomiya ng bayang ito na ginawaran ng “Seal of Good Housekeeping” ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Iniulat din ni Marilou Ateneja, pangulo ng naturang asosasyon na maraming produkto ang nagagawa mula sa water lily tulad ng bag, tsinelas, fruit tray, basket, wall décor at iba pang gamit sa bahay na ipinagbibili sa mga Agri- Trade Fair at pati mga negosyante na umoorder dito.

Maliban sa water lily na ikinabubuhay ng mga naninirahan sa Caoayan, pinakikinabangan din ang balat ng mais na pangunahing tanim sa bayan dahil nabuo na rin ang asosasyon ng mga Corn Hush Handicraft Makers sa Barangay Anonang Menor, idinagdag ng alkalde.

Sinabi niya na ang balat ng mais na nakakalat lamang na animo’y walang silbi ay magagamit sa paggawa ng kakaibang bag, tsinelas at wall décor na ipinagbibili na rin sa mga merkado publiko sa lalawigan at pati sa mga trade fair sa Heritage City ng Vigan at iba’t-ibang lugar kabilang na ang Metro Manila.

Bilang tulong ni Congressman Ryan Singson na bahagi ng kanyang “Pro-Poor Program,” nagbigay ng tseke na nagkakahalaga ng P141,000 para sa dalawang asosasyon sa Caoayan bilang karagdagang puhunan at ipinangako na tutulong din sa pagtataguyod ng mga iba pang produkto sa bayang ito. (ANL/BPP-PIA1 Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s