Tagalog news: Lungsod ng San Fernando muling nagbigay serbisyo sa People’s Day

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Set 15 (PIA) — Muling isinagawa ang ika-pitong People’s Day sa apat na barangay ng ika-apat na distrito sa lungsod na isinagawa sa Barangay Canaoay.

Gaya ng mga nakaraang People’s Day sa lungsod, muling ipinamahagi ang mga serbisyo sa pangunguna ni Mayor Pablo C. Ortega sa barangay Poro, San Agustin, San Francisco at Canaoay. Kabilang sa serbisyong ipinamahagi ay ang libreng pagpapakonsulta, dental, pagpapakain, tuli, pangangaral at pagbibigay impormasyon hinggil sa kalusugan, agrikultura, mga ordinansa ng lungsod, “real property,” trabaho, programang pangkapaligiran, permit at lisensya at iba pang serbisyo.

Sa open forum, sinabi ng mga opisyal ng barangay ang mga problemang nararanasan ng mga residente sa kanilang lugar. Karaniwan sa mga nabanggit ay ang problema sa baha sa panahon ng tag-ulan. Sinigurado naman ni Ortega na gagawan nila ito ng paraan upang masolusyonan ang kanilang mga hinaing.

Pagkatapos nito, ang bawat barangay ay nabigyan ng tseke na nagkakahalaga ng P100,000, set ng computer at citizen’s charter.

Sampung mag-aaral naman sa daycare ang nabigyan ng gamit sa paaralan.

Dumalo sa pagdiriwang sina Vice Mayor Hermenigildo A. Gualberto, mga Sangguniang Panlungsod at Sangguniang Kabataan.

“Our Home – Bringing Services to your Doorstep” ay tema ng programa ng lungsod ng San Fernando sa pagbibigay serbisyo ng personal sa mga kanayunan.

Magaganap sa ika-28 ng Setyembre ang ika-walong People’s Day sa San Fernando City Gym sa ikalawang distrito ng lungsod sa mga barangay ng Ilocanos Sur, Ilocanos Norte at Pagdaraoan. (ANL/MBR-PIA1 La Union)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s