Tagalog news : PNP nagbabala sa mga” kotong cops” sa Ilokos

CAMP ELPIDIO QUIRINO, Bantay, Ilocos Sur, Set 13 (PIA) — Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga nakauniporme na huwag dungisan ang imahen ng mga pulis para mapanatili ang respeto ng taongbayan sa mga kasapi ng PNP.

Ito ang babala ni Police Sr. Supt. Noel Amuyen, provincial director ng PNP sa lalawigan, sa pakikipanayam ng media na naganap sa Kampo noong nakaraang Linggo tungkol sa kampanya laban sa kriminalidad lalo na ang ipinagbabawal na gamot para maprotektahan ang mga mamamayan.

“Huwag ninyong dungisan ang inyong uniporme lalo na ngayon na may iniuulat na mga kotong cops sa bansa,” diin ng opisyal ng PNP.

Ayon sa kanya, sa lalawigan ay wala pa namang nairereklamong nangongotong.

Hinikayat ng provincial director sa mga residente na ireport ang mga abusado at nangongotong na pulis para mapatawan ng kaukulang parusa dahil kailangan din ang tulong ng mga mamamayan para magtagumpay ang mga programa ng PNP at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Ilocos Sur.

Inireport din ni Amuyen na pinaigting ng PNP ang kampanya laban sa illegal na droga sa iba’t ibang bayan lalo na sa mga bulubunduking lugar tulad ng bayan ng Sugpon na umano’y pinagmumulan ng mga pananim na marijuana.

Sinabi din niya na sa mga ipinatupad na raid sa mga tahanan ng mga suspek na “drug personalities” sa lalawigan, may mga ilang naaresto at naihabla na sa korte.

Iniutos din niya na palawakin ang intelligence network sa mga barangay sa pakikipagtulongan ng mga Non-Government Organizations.

Ipinapatupad din ng PNP ang Integrated Patrol System, Ronda System, “Oplan Sapasap” at” Oplan Bakal” sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan lalo na sa mga pampublikong lugar at mga tourist spots, iginiit ni Amuyen.

Sinabi ng opisyal na nabuo na rin ang mga Polce Checkpoints sa national highway mula Tagudin hanggang Sinait para ma-monitor ang mga “riding-in- tandem” criminals, carnapers at iba pang masasamang elemento na pumapasok sa lalawigan. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s