Tagalog news: Pagsasanay sa mga ‘deputized LGU land investigators’ at ‘inspectors isinagawa

LUNGSOD NG SAN FERNANDO CITY, La Union, Sept 13 (PIA) — Nagsagawa kamakailanang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng iba’t ibang pagsasanay sa mga “deputized LGU land investigators” at mga inspektor para lalong mapalawig ang kanilang kaalaman patungkol sa Republic Act 10023 o Free Patents Act, ayon kay Evangeline Aquino, regional public affairs officer.

Magsasanay din sila sa mga alituntunin sa mga pag-aari ng lupain; kahusayan kung paano ang pagsagawa ng ocular inspection ng mga lupain; pagbabalangkas at paghahanda sa mga dokumento gayun din ang kanilang aplikasyon, dagdag ni Aquino

Inaasahan ng DENR sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan na ang “cadastral survey” ay matatapos sa taong 2013 dito sa Rehiyon 1.

Hinimok ang mga lokal na pamahalaan para sa paglikha ng Cadastral Councils at pagtatatag ng Land Information Office sa kanilang nasasakupan para meron silang malalapitan kung sakaling may katanungan patungkol sa “cadastral survey.”

Inaatasan ni Regional Director Samuel R. Peñafiel si Regional Technical Director ng Lands Lydia S. Lopez para mabigyan ng agarang pagsagawa ng “cadastral survey” sa buong rehiyon.

Dito sa rehiyon, 19 na bayan at isang lungsod ang nagsagawa na ng survey na ang kontrata ay nagkakahalaga ng P103,390,000.

Ayon kay Lopez ang “completion of cadastral survey” ay magbibigay ng mga benepisiyo katulad ng pagtaas ng koleksiyon ng buwis, magamit bilang basehan para sa ikaaayos ng “political boundary disputes” at basehan din sa pagpaplano at “decision making” para sa ikauunlad ng iba’t ibang proyekto dito sa buong rehiyon. (ANL/EMR-PIA 1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s