Tagalong news: 90 miyembro ng 4Ps tumanggap ng kapital pangnegosyo

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Set 11 (PIA) — Siyamnapung miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Bagulin ang nakatanggap ng kapital pangnegosyo na nagkakahalaga ng kabuuang P714,000.

Ito ay sa pamamagitan ng programang Self Employment Assistance Kaunlaran (SEA-K) ng Department of Social Welfare and Development-Field Office 1 (DSWD-FO1)

Sabi ni DSWD-FO1 Information Officer Allan Lulu, ang naibigay na kapital ay gagamitin sa pagsisimula ng kanilang negosyo gaya ng paggawa ng soft-broom, pagbili at pagbenta ng bungang-ugato root crops at pagpapatayo ng sari-sari store.

Bago sila nabigyan ng kapital, sila ay pinulong hinggil sa SEA-K at dumaan sa proseso na isinagawa ng Municipal Links upang matiyak kung sila ay handa nang mabigyan ng kapital.

Nagsagawa rin ang DSWD-FO1 ng pagsisiyasat sa kapaligiran at panlipunang paghahanda upang tukuyin kung sinu-sino ang uunahing mabigyan ng tulong at ang kanilang mga panukalang negosyo.

Ipinaalala ni DSWD-FO1 Regional Director Marcelo Nicomedes J. Castillo sa mga nakatanggap ng kapital ang kahalagahan ng pagkakaisa at ang tamang pananaw para maabot ang tagumpay.

Sinabi nya na bilang natulungan ng programa, responsibilidad nilang ibalik ang kapital na naipahiram upang mapakinabangan din ng iba.

Sinabi naman ni Dagup SEA Kaunlaran Association President Ben Galate, isa sa mga nakatanggap ng kapital, na ang kapital na naipagkaloob sa kanila ay malaking tulong sa dagdag na kita ng kanilang pamilya at makakatulong sa pagpapaaral ng kanilang mga anak.

Sabi ng DSWD-FO1, mayroon nang mahigit 1,200 tumanggap ng tulong kapital na nagkakahalaga ng P12 milyon mula noong nagsimula ang programa sa rehiyon.

Ang SEA-K ay isang pangkabuhayang programa ng DSWD na nagbibigay ng kapital pangnegosyo sa halagang P5,000 bawat tao o hindi hihigit sa P150,000 bawat kwalipikadong asosasyon o grupo.

Layon ng programang matulungan ang mga mahihirap na magsimula ng maliit na negosyo upang magkaroon ng sariling pagkakakitaan upang matugunan ang mga pangangailangan, paliwanag ni Lulu. (ANL/MBR-PIA1 La Union may kaakibat na ulat mula sa DSWD-FO1/Allan Lulu)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s