Tagalog news: Pagpapatitulo ng lupain sa rehiyon pinadali ng DENR

LUNGSOD NG SAN FERNANDO CITY, La Union, Sept 11 (PIA) – Pinag-uutos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga opisyales ng DENR sa probinsya na makipagtulungan sa mga local na pamahalaan para lalong mapadali ang pagproseso sa pagpapatitulo ng lupain dito sa Rehion 1.

Hinimok ni Regional Director Samuel R. Peñafiel ang mga lokal na gobierno para isama ang pagpapatitulo ng lupain sa kanilang programa at proyekto sa nasasakupan nila.

Sa pakikipagtulungan ng LGUs, ang pagpapatitulo ng lupain ay mabigyan ng agarang resolusyon sa ‘land conflicts’ para sa bandang huli ay magkaroon ng kapayapaan sa komunidad, mapabuti ang kita ng lokal na gobierno sa pamamagitan ng pagtaas ng ‘realty property taxes’ koleksiyon, at pagtaas ng ekonomiya at para sa karagdagang ‘investments’ sa kanilang lugar.

Ayon sa memorandum of partnership agreement (MOPA) sa pagitan ng DENR at LGUs, ang pagpapatitulo ng lupain ay makikipagtulungan ang mga lokal na gobierno.

Nagsasagawa ang DENR ng mga iba’t-ibang pagsasanay sa mga ‘deputized LGU land investigators’ at mga inspektor para lalong mapalawig ang kanilang kaalaman patungkol sa Republic Act 10023 o Free Patents Act; alituntunin sa mga pag-aari ng lupain; kahusayan kung paano ang pagsagawa ng ‘ocular inspection ng mga lupain; at pagbabalangkas at paghahanda sa mga dokumento gayun din ang kanilang aplikasyon, ayon kay Regional Public Affairs Officer Evangeline Aquino

Ang pagsasanay ay nilahukan ng 57 munisipalidad dito sa Rehiyon 1, 17 bayan na ang may MOPA samatalang ang mga iba ay kasalukuyang inihahanda ang ‘municipal resolutions’, paglikha ng Cadastral Councils at pagtatag ng opisina ng ‘land information’ sa kanilang nasasakupan.

Sa probisyon ng MOPA, kinakailangan ng lokal na gobierno na ‘reactivate’ ang Lupong Tagapamayapa para sila ang humawak ng ‘land disputes’ samantalang tutulong ang hinirang na barangay monitoring officer at purok information officer sa ‘land personnel’ para maipalaam ang mga kakailanganing kaukulan patungkol sa ‘land information’.

Tutulong di sila para tumanggap ng aplikasyon ng free patent, pagsagawa ng Rapid Land Tenure Assessment, Land Tenure Improving Profiling, realty property tax maintenance, social-economic profiling at pagbigay ng certified true copy ng tax declaration sa mga land claimants sa gayon ay mapabilis ang proseso ng pagpapatitulo sa mga karapatdapat na may-ari ng lupain.

Ayon kay Regional Technical Director for Lands Lydia S. Lopez, ang nasabing pagpapatitulo sa lupain ay nakadepende sa resulta ng cadastral survey.

Dito sa rehion 1 ang pinakamaraming ‘patentable’ na lugar sa buong Pilipinas, dagdag ni Lopez. (ANL/EMR-PIA 1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s