Tagalog news: Mga paaralan, mag-aaral inaanyayahang lumahok sa Tourism Quiz bee

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Set 13 (PIA) — Sa nalalapit na pagdiriwang ng Linggo ng Pambansang Turismo sa Setyembre 21 hanggang 27 ngayong taon, ang Department of Tourism (DOT-1) ay magsasagawa ng “Tourism Quiz Bee” na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang aspeto ng turismo sa ating bansa at pagkilala sa kahalagahan ng sektor pang-enerhiya sa pagpapaunlad ng turismo.

Ayon kay DOT-1 Senior Tourism Information Officer Evangeline Dadat, ang kompetisyon na ito ay bukas sa lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad sa rehiyon na nag-aalok ng kursong pang-turismo gaya ng Hotel and Restaurant Management, Bachelor of Science in Tourism, at iba pa.

Maaring tumawag o magrehistro ng personal sa opisina ng DOT-1 sa Oasis Country Resort, Brgy. Sevilla, dito sa lungsod.

Makatatanggap ang mananalo ng unang puwesto ng P20,000; P15,000 naman sa pangalawa; at P10,000 naman sa pangatlong puwesto. Mabibigyan din ng DOT t-shirt at certificate of participation ang lahat ng nakilahok.

Ang pagtanggap ng pagrerehistro ng mga kalahok ay magtatapos sa Setyembre 21. Magaganap ang kompetisyon sa Hotel Ariana, Paringao, Bauang, La Union sa Setyembre 27.

Lahat ng interesadong sumali sa nasabing kompetisyon ay maaaring tumawag kay Bb. Evangeline Dadat sa telepono bilang (072) 888-2411 at 700-5780 o kaya’y mag e-mail sa dotregion1@pldtdsl.net o evamdadat@gmail.com para sa mga detalye.

Ang pagdiriwang ng Linggo ng Pambansang Turismo ngayong taon na may paksang: “Tourism and Sustainable Energy: Powering Sustainable Development,” ay naglalayong paunlarin ang alternatibong pinagkukunang enerhiya upang magamit ng kasalukuyang henerasyon at susunod pa sa pinaka epektibong paraan. (ANL/MBR-PIA 1 La Union may kaakibat na ulat mula sa DOT-R1, Evangeline Dadat)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s