Tagalog news: La Union tinanghal bilang pangalawang ‘Best Performing Province’ sa taong 2011

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Set 11 (PIA) — Muli na namang tinanghal ang probinsiya ng La Union bilang pangalawa sa “Best Performing Province” sa taong 2011.

Napanatili ng probinsiya ang puwesto dahil sa patuloy na kahusayan sa kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa probinsiya pati na din sa “responsive local governance,” ayon kay Israel O. Rudio, provincial information and tourism officer.

Ang mga probinsya na nasa top 10 at kanilang Overall Performance Index (OPI) ay ang mga sumusunod: Bohol, 4.91; La Union, 4.89; Cavite, 4.88; Pangasinan, 4.87; South Cotabato, 4.864; Mt. Province, 4.855; Albay, 4.839; Bulacan, 4.836; Rizal, 4.832 at Ilocos Norte, 4.828, base sa tala ng DILG Local Governance Performance Management System.

Hinikayat ni Governor Manuel C. Ortega ang mga opisyal at kawani ng panlalawigang pamahalaan ng La Union na ipagpatuloy ang kanilang magandang trabaho para marating ang pinakamataas na antas.

Samantala, ang lungsod ng San Fernando ay ika-siyam na may OPI na 4.81 mula sa “Top 10 City Government” habang ang bayan ng Santol ay ikatlo na may OPI na 4.89, at San Gabriel bilang ika-10 na may OPI na 4.820. (ANL/MHH-PIA 1 La Union may kaakibat na ulat mula kay Israel O. Rudio, PGLU)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s