Tagalog news: DOLE nagbigay ng tulong-pinansyal sa mga gumagawa ng tupig sa Balungao

BALUNGAO, Pangasinan, Set 12 (PIA) — Nagbigay ang Department of Labor and Employment sa rehiyon (DOLE 1) ng tulong-pinansyal na nagkakahalaga ng P498,000 sa samahan ng mga gumagawa ng tupig sa bayang ito noong ika-tatlo ng Setyembre.

Ayon kay Arly Valdez, communication officer ng DOLE, ang tulong-pinansyal ay laan sa pagpapaunlad ng paggawa ng tupig at ng mga proyektong kaugnay sa agrikultura.

Aniya, makatutulong ito sa 110 gumagawa ng tupig, mga magsasaka, mga nagtatanim ng saging at mga gumagawa ng uling.

Si DOLE Undersecretary Lourdes Trasmonte ang nag-abot ng tulong-pinansyal sa alkalde ng Balungao na si Philipp Peralta.

Hinikayat ni Trasmonte ang lokal na pamahalaan ng Balungao at ang mga benepisyaryo na gamitin nang maayos ang tulong-pinansyal. “Magtulungan kayo para sa ikatatagumpay ng proyektong ito,” ani Trasmonte.

Mula sa taong 2009, ang bayan ng Balungao ay tumanggap na ng mahigit sa P1.7 na milyong tulong-pinansyal upang mapondohan ang mga proyektong gaya ng pagpaparami ng kambing (P400,000), paggawa ng “canton noodles” mula sa kalabasa (P451,000), pagtatanim ng kalabasa (P300,000), paggawa ng tupig (P107,800) at ang tulong-pinansyal ngayon ay para mapalago ang paggawa ng tupig na isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan at pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga mamamayan ng Balungao.

Ang tupig ay kakanin na mula sa pinagsamang malagkit, kinudkod na niyog at asukal na hinaluan ng buto ng linga. Ito ay ibinalot sa dahon ng saging at iniluto sa mainit na baga.

Karaniwan itong ibinibenta sa gilid ng kalsada at sa mga bus na naging sikat na pasalubong ng mga biyaherong nanggagaling sa Pangasinan. Puwede itong kainin bilang meryenda o panghimagas.

Nagpasalamat si Alkalde Peralta sa patuloy na pagsuporta ng DOLE sa bayan ng Balungao at sa mga mamamayan nito. “Nangangako ang bayang ito na ang tulong-pinansyal na ibinigay ng DOLE ay siguradong patuloy na gagamitin ng maayos,” pahayag ni Peralta.

Ang pagbibigay ng tulong-pinansyal ng DOLE ay alinsunod sa layunin ni Pangulong Benigno Aquino na mabawasan ang kahirapan at makalikha ng hanapbuhay. (ANL/AMM-PIA 1 Pangasinan kalakip ang ulat mula sa DOLE)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s