Tagalog news: ‘AlkanSSSya’, nagsimula na sa SSS-La Union

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Set 11 (PIA) — Sinimulan na ng Social Security System (SSS) – La Union ang programang “AlkanSSSya” para sa mga manggagawa na nasa impormal na sektor sa rehiyon upang mas matulungan silang mag-impok para sa kanilang indibidwal na kontribusyon sa ahensiya .

Ito ay isang paraan ng ahensiya upang matulungan ang kanilang mga miyembro na mabayaran ang buwanang kontribusyon ng mas madali at mas magaan sa kanilang bulsa, ayon kay Gloria Corazon Andrada, SSS-La Union assistant branch head.

Noong 2011, sinimulan ng SSS-Las Piñas branch ang programa na tinawag bilang “TrikanSSSya” na kung saan karamihan sa mga miyembro nito ay mga tagapagpalakad at drayber ng traysikel.

Nang makita ang tagumpay ng programa, ginaya ito ng ibang sangay ng SSS na naglaon ay tinawag na AlkanSSSya, at hindi lamang tagapagpalakad at drayber ng traysikel ang kasali kundi pati na rin ang mga manggagawa sa direct selling, mga nagbebenta sa palengke at iba pang grupo na nais sumali.

Sinabi ni Andrada na maghahanda ang grupo ng kahon na gawa sa metal na may taas na 1.5 metro na may maliliit na bahagi. Ito ay ilalagay sa isang ligtas na lugar na maaaring paglagyan ng AlkanSSSya savings bago ito kunin ng SSS account officer sa katapusan ng buwan upang bilangin.

Maghuhulog ang bawat miyembro sa kaniya-kaniyang AlkanSSSya unit ng kahit magkanong halaga araw-araw hanggang makumpleto ang buwanang kontribusyon.

Bawat isang miyembro ay kinkailangang makapag-ipon ng P416 bawat buwan. Habang ang sobra naman sa kanilang ipon ay maibabalik rin sa kanila.

Ang organisasyon na nais sumali ay kinakailangang pumirma ng kasunduan kasama ang SSS at makisali sa orientation sa pagpapanatili ng kanilang AlkanSSSya, sinabi pa ni Andrada.

Sa kasalukuyan, ang SSS-La Union ay nagtalaga na ng mga account officer sa mga target na organisasyon o grupo upang kausapin at upang ipag-bigay alam ang naturang programa, dagdag pa ni Andrada. (ANL/MBR-PIA 1 La Union)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s