Tagalog news: 300 manggagawa lumahok sa fun run ng CSC

LUNGSDO NG SAN FERNANDO, La Union, Set 13 (PIA) — Tatlong daang manggagawa ng gobyerno ang lumahok sa “Fun Run2012: Takbo ng Kawani Laban sa Yosi 2” ng Civil Service Commission noong ika-7 ng Setyembre upang maitaguyod ang “smoke-free bureaucracy” sa rehiyon.

Ang aktibidad ay may layuning isulong ang kaalaman ng bawat kawaning nasa pampublikong serbisyo para sa kasiguruhan ng malusog at produktibong puwersa bilang tugon sa CSC Memorandum Circular No. 17 series of 2009, ani ni Engelbert Anthony D. Unite, CSC-1 regional director mula sa nakaraang “Ammuentayo” radio program sa DZNL Aksyon Radyo.

Ang mga nanalo sa 3k race sa kategorya ng mga lalaki ay sina Jeffrey C. Valdez ng Bureau of Fire Protection (BFP), unang puwesto; Wilfredo D. Labsan mula sa lokal na pamahalaan ng San Juan, pangalawang puwesto; at Joseph P. Ulnes ng BFP, pangatlong puwesto.

Sa pambabaeng kategorya, tinanghal si Lani Peralta ng Philippine National Police (PNP) bilang pinakauna; Josephine Dangli ng BFP, pangalawa; at Jocelyn Villador ng BFP, pangatlo.

Habang sa male 5k category, hinirang naman si Edric Salvacion bilang kampyon. Pumangalawa rito si Orano Torano at pangatlo si Lester Allan Nartatez, pare-parehong mula sa PNP.

Sa kabilang banda, ang Philippine Navy ang nakakuha ng tatlong parangal sa 5k na kategorya ng mga babae sa ngalan nila Joy Domingo, Gladys Villanueva, at Marites Macaraig.

Isa ding katibayan ng pagpapahalaga ang ibinigay sa mga pulis dahil sa pinakamalaking bilang ng mga lumahok sa kanilang hanay gayundin, nagbigay rin ng katibayan ng pakikilahok ang CSC-1 sa bawat opisinang pumunta.

Mula sa naturang programa, sinabi ni Unite na ito’y isang magandang indikasyon ng pagkakaisa ng mga manggagawa sa gobyerno kung saan binigyang diin niya na ang mga kawani ng rehiyon uno ay talagang masisipag at aktibo sa pagsusulong ng “100 Percent Smoke-Free Policy.”

Pinasalamatan rin niya ang lahat sa pagmamarka ng aktibidad bilang isang matagumpay na selebrasyon sa kabila ng hindi mapipigilang “Hataw” na isinagawa ng mga kalahok sa San Juan Civic Center pagkatapos ng fun run.

Ilan sa mga nakilahok na opisina o ahensiya ay ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Commission on Human Rights, Department of Education, Commission on Population, National Food Authority, Philippine Information Agency, Philippine Ports Authority, Philippine Red Cross-La Union Chapter, Don Mariano Marcos Memorial State University, at iba pa.

Ang aktibidad ay isang bahagi ng paggunita ng komisyon sa ika-112 na anibersaryo ng Philippine Civil Service sa temang “Kawani, Ikaw ay Isang Lingkod Bayani.” (ANL/MHH-PIA 1, La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s