Tagalog news: PRC magsasagawa ng “Araw ng Propesyonal” sa Pangasinan

LINGAYEN, Pangasinan, Set 4 (PIA) — Ang Professional Regulation Commission (PRC) ay magsasagawa ng “mobile outreach services” na tinatawag ding “Araw ng Propesyonal” sa Pangasinan.

Ayon kay Alex Ferrer, hepe ng Provincial Employment Services Office (PESO), ang programang ang magsisilbing paraan upang mailapit ang kanilang mga serbisyo sa mga kliyente nito.

Aniya, hangad nitong matulungan ang mga propesyonal sa Pangasinan na walang sapat na oras sa pagkuha ng kanilang mga lisensya.

Dagdag pa ni Ferrer, makakatipid sa pamasahe at iba pang gastusin ang mga kliyente dahil hindi na sila kailangang magtungo pa sa lungsod ng Baguio kung saan nandoon ang tanggapan ng PRC upang magsagawa ng kanilang mga transaksyon.

Kabilang sa mga serbisyong iaabot ng PRC ay ang pagtatala ng mga pumasa sa iba’t ibang pagsusulit; pag-“renew” ng lisensya; pagbibigay ng lisensya, “board certificate” at “certification of good standing” at pagtanggap ng aplikasyon para sa mga darating na pagsusulit.

Sinimulan ang programang ito kahapon sa Urdaneta City Cultural and Sports Center sa lungsod ng Urdaneta. Gaganapin din ito sa ika-24 ng Setyembre sa Arenas-Resuello Sports Complex sa lungsod ng San Carlos; ika-12 ng Oktubre sa Provincial Training and Development Center sa bayan ng Lingayen at ika-26 ng Nobyembre sa Bayambang Covered Court sa bayan ng Bayambang.

Paalala ng PRC sa mga nais kumuha ng kanilang lisensya at “board certificate” na mag-e-mail sa prcbaguio.regulations.renewal@gmail.com o ipadala sa pamamagitan ng text message sa numerong 0921-969-3919 ang mga sumusunod na impormasyon tatlo o apat na araw bago ang nakatakdang pagbisita ng tanggapan: lugar kung saan ito kukunin; pangalan; propesyon; “registration number;” at petsa kung kailan nagpatala. (ANL/AMM-PIA 1, Pangasinan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s