Tagalog news: Bayan ng Sinait, naparangalan ng ‘Seal of Good Housekeeping’ Award

SINAIT, Ilocos Sur, Set 4 (PIA) — Ang maliit na bayan ng Sinait na tinaguriang “Garlic Center of the North” ay pinarangalan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng “Seal of Good Housekeeping Award” dahil sa pagpapatupad sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan patungo sa “Matuwid na Daan” na itinataguyod ni Presidente Aquino.

Sinabi ni Provincial Local Government Officer Victoria Ramos na tumanggap ang Sinait ng karangalan na plake ng pagkilala at tsekeng nagkakahala ng P1 milyon bilang gantimpala sa pagpapatupad nang naaayon sa “good governance.”

Hinikayat ni Ramos ang lahat ng LGUs na sundin ang sinimulang reporma ni Sec. Jesse Robredo tulad nang paglalagay sa website ang lahat ng gastusin ng bawat LGUs tulad ng mga pondong nagamit sa mga proyekto at serbisyo ng pamahalaan.

Ayon kay Mayor Marlon Ines magagamit ang pinanalonang pondo para sa farm-to-market road sa Cabangtalan na isa sa mga pinaka-liblib at pinakamahirap na pook sa bayan.

Ang bayan ng Caoayan ay naparangalan din ng Seal of Good Housekeeping dahil sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa mga mahihirap na kababayan tulad ng mga livelihood projects, pagtataguyod ng “One Town, One Product” (OTOP), pagpapatayo ng bagong municipal hall o “Balay ti Ili” lalo na sa maigting na kampanya tungkol sa wastong pamamahala lalo na sa “transparency and accountability.”

Sinabi ni Mayor Germelina Goulart na gagamitin nila ang P1 milyong premyo para sa pagbili ng mga rescue equipment na makatutulong sa panahon ng kalamidad lalo na sa mga peligrosong barangay na nasa malapit sa ilog at karagatan tulad ng Fuerte, Poro at Villamar (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s