Tagalog news: 2nd Buntis Congress isinagawa sa Bautista, Pangasinan

BAUTISTA, Pangasinan, Agosto 28 (PIA) — Isinagawa ng pamahalaan sa lalawigan ang 2nd Buntis Congress noong ika-15 ng Agosto sa Maekrisanne Garden Resort sa bayang ito upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga buntis.

Ayon kay Dr. Anna Maria Teresa De Guzman, hepe ng Provincial Health Office, ang aktibidad ay hakbang ng lalawigan para makamit ang Millennium Development Goals (MDG) na mapabuti ang kalusugan ng mga ina at mapababa ang bilang ng mga babaeng namamatay dahil sa komplikasyon habang nanganganak.

Aniya, layunin ng aktibidad na mahikayat ang mga buntis na magsilang sa ospital upang masiguro na sila ay mabibigyan ng tamang pangangalaga at atensyon bago, habang at pagkatapos ng kanilang panganganak.

Nilahukan ang 2nd Buntis Congress ng 134 na mga buntis mula sa mga bayan ng Alcala, 13 kalahok; Basista, 24 na kalahok; Bayambang, 37 kalahok; Bautista, 45 kalahok; at Sto. Tomas, 15 kalahok.

Tinalakay sa pagtitipon ang pagpapasuso at ang responsibilidad na kaakibat ng pagiging ina. Binigyan din ang mga buntis ng libreng gupit, “spa” at masahe sa paa, at pagsusuring dental at medikal.

Ang mga kalahok ay ini-rehistro rin sa PhilHealth para makamtan nila ang mga benepisyong laan sa mga kasapi na may kaparehas na kondisyon.

Matapos ang aktibidad, tumanggap sila ng mga kagamitan mula sa pamahalaan ng lalawigan upang mas mapangalagaan ang kanilang kalusugan.

Pinasalamatan ni De Guzman ang mga Rural Health Units (RHUs) ng mga kalahok na bayan sa matagumpay na pagdaraos na aktibidad. Hinikayat din niya ang mga ito na patuloy na gawing tahanan ng mga malulusog na Pilipino ang lalawigan. (JCR/AMM-PIA 1 Pangasinan kalakip ang ulat mula sa PIO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s