Tagalog news: Mga paaralan sa lungsod ng Dagupan magsasagawa ng ‘make-up classes’

LUNGSOD NG DAGUPAN, Agosto 17 (PIA) — Ipinahayag ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd na lahat ng mga paaralan sa lungsod na ito ay magsasagawa ng mga “make-up classes” simula Setyembre para mapunuan ang mga araw na sinuspinde ang klase dulot ng masamang panahon.

Ayon kay Dr. William Macob, tagapangasiwa ng edukasyon sa mga paaralan sa lungsod, may ilang pagpipilian ang mga tagapamahala ng mga paaralan upang makumpleto ang itinakdang bilang ng araw ng klase ngayong taon.

Dagdag pa ni Macob, ang mga punung-guro na rin ang tutukoy kung anong pamamaraan ang sa tingin nila ay angkop para sa kanilang nasasakupan.

Aniya, maaring magkaroon ng klase tuwing araw ng Sabado o gamitin ang isang linggong “semestral break.”

Puwede rin na bawasan ang dalawang linggong bakasyon sa Disyembre o kaya naman ay magdagdag ng dalawang oras na klase sa isang araw nang sa gayon ay makamit ang kinakailangang “contact time” ng guro sa kanyang mga estudyante.

Ayon sa DepEd Order No. 26, ang kabuuang bilang ng araw sa paaralan o “school days” sa taong ito ay dalawang daan. Ang isangdaan at walumpong araw nito ay laan sa pagtuturo ng mga guro samantala, ang natitirang dalawampung araw ay para naman sa mga lokal na pista-opisyal at iba’t ibang mga aktibidad sa paaralan.

Si Macob ay panauhin sa “Pantongtongan Tayo,” programang pangradyo ng Philippine Information Agency nitong Martes. (ANL/AMM-PIA 1, Pangasinan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s