Tagalog News: Penology Officer Exam idinadaos ngayon

LUNGSOD NG DAGUPAN, Agosto 12 (PIA) — Siyamnapu’t dalawang aplikante mula sa Rehiyon 1, 2 at Cordillera Administrative Region ang kumukuha ng “penology officer eligibility” na ginaganap na Penology Officer Examination sa La Union National High School sa Lungsod ng San Fernando, La Union ngayon, Agosto 12.

Ang pagsusulit ay pinapangunahan ng Komisyon sa Serbisyong Sibil o Civil Service Commission (CSC) na siyang magbibigay ng “certificate of eligibility” sa mga makakapasa.

Ito ay kailangan upang maging regular na kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at iba pang kaugnay na ahensya, maliban sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas. Kailangan din ang kaukulang edukasyon, karanasan at kasanayan upang maging permanente sa nasabing ahensya.

Ang mga aplikante ay naghanda sa larangan ng mga konsepto sa pangangasiwa ng bilangguan, konsepto ng kustodya o pangangalaga, mga programa sa kapakanan at paghubog sa mga bilanggo, at pampamahalaang-usapin sa BJMP.

Ipinaalam ng CSC na papatawan ng karampatang parusa ang sinuman na mahuhuling mandaraya sa pagsusulit. (JCR/AMM-PIA 1 Pangasinan kalakip ang ulat mula sa CSC)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s