Tagalog News: Special recruitment activity isinagawa sa Lingayen

LINGAYEN, Pangasinan, Agosto 08 (PIA) – Inilapit ng pamahalaan sa lalawigan sa mga Pangasinense ang pagkakataong makapag-aplay ng trabaho sa pagsasagawa ng Provincial Employment Services Office (PESO) ng isang “special recruitment activity” noong ika-tatlo ng Agosto sa Kalantiao Building sa bayang ito.

Ipinahayag ni Alex Ferrer, hepe ng PESO, na dalawang lokal na kumpanya ang nagbukas ng iba’t ibang posisyon na maaring aplayan ng mga propesyonal at mga manggagawang “skilled” o may angkop na kasanayan.

Ang mga kumpanya ay ang Magna Peak Services Corporation na matatagpuan sa Sta. Maria, Pampanga at ang Trust International Paper Corporation (TIPCO) na makikita naman sa Mabalacat, Pampanga.

Inalok ng mga kumpanya ang mga sumusunod na trabaho: accounting assistants, agriculturist, civil engineers, electrician, farm/crop manager, industrial engineers, lab analysts, marketing manager, mechanic, mechanical design engineer, operator trainees, process technicians/operators, sorters/production helpers/book trimmers at trailer/truck drivers/forklift operators.

Ayon kay Ferrer, ang mga aplikanteng pumasa sa paunang pagsusulit at panayam ay kailangang mag-antay sa mensahe o tawag mula sa mga kumpanya para sa dagdag pang pagsusuri.

Ang programang ito ay kabilang sa mga hakbang ng pamahalaan sa lalawigan upang matugunan ang kawalan ng trabaho nang sa gayon ay mabigyan ng permanente at desenteng mapagkakakitaan ang mga mamamayan ng Pangasinan. (ANL/AMM-PIA 1 Pangasinan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s